Panalo sa 2021 U.S. Open Pool PINAGPASA-DIYOS NI BIADO

Ni ANN ENCARNACION IPINANALANGIN ni 2021 U.S. Open Pool champion Carlo Biado ang final game niya laban kay Aloysius Yapp ng Singapore. Kwento ng 37-anyos at ­dating golf caddie-turned billiard player na si Biado, humingi siya ng tulong sa Diyos noong lumamang si Yapp, 4-8, sa final match-up nila. “Nanalangin po ako noong time na iyun kay Lord na sana mabigyan ako ng isa pang chance at sign para magawa ko ang dapat kong gawin para sa kanya. Iniisip ko na ­kapag ­nagkaroon ng chance ay ­ga­gawin ko na maging…

Read More

MAGNOLIA SINAGIP NI ABUEVA

INILIGTAS ni Calvin ‘The Beast’ Abueva ang Magnolia laban sa NorthPort sa kanyang game-winning turnaround shot, 90-89, kahapon sa pagpapatuloy ng 2021 PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga. Mayroong ­nalalabing 2.6 segundo na lang sa laro nang mula sa inbound ni Rome Dela Rosa ay nakuha ni ­Abueva ang bola at isinyut ito sa kabila ng mahigpit na depensa ng NorthPort. Nanguna para sa Hotshots si Ian ­Sangalang sa kinamadang 26 points at 10 boards. Nagdagdag naman si The Beast ng 15 points…

Read More

4 MATIKAS NA PINOY SA 2021 U.S. OPEN POOL

APAT na Filipino cue ­artists ang umusad sa Last 16 ng U.S. Open Pool Championship 2021 sa Atlantic City. Sila ay sina Dennis Orcollo, Johann Gonzales Chua, Carlo Biado at ­Rodrigo Geronimo. Sa apat na Pinoy, walang talong umusad sa Last 16 sina Orcollo at Chua. Habang kinailangang umahon mula sa loser’s bracket sina Biado at Geronimo. Sunod na makakatapat ng napunta sa top bracket na si Geronimo si Denis Grabe ng Estonia, habang haharapin ni Orcollo si Mario He ng Austria. Maaaring magkaroon ng all-Pinoy semifinal match up kung…

Read More

KALEI MAU DOBLE-KAYOD PARA SA PWNVT

BATID ng Hawaii-born volleybelle na si Kalei Mau na gahol na sa oras ang Philippine ­Women’s National Volleyball Team (PWNVT), na sasabak sa AVC Asian Women’s Club Championship sa susunod na buwan. Nanghihinayang din ang Filipino-American player na hindi siya makapagpraktis kasama ang national squad. Kaya hataw siya sa training para kondisyon siya sa ­sandaling mag-join sa pambansang koponan sa Nakhon Ratchisima, Thailand kung saan isasagawa ang AVC Club sa Oktubre 1 hanggang 7. “I am always so grateful to come home and have the resources and people to help…

Read More

DREAM COME TRUE KAY FAJARDO

PROUD si Pinay cager Ella Fajardo na mairepresenta ang bansa kasama ang Gilas Pilipinas Women sa 2021 FIBA ­Women’s Asia Cup. Katunayan, “dream come true” sa kanya ang makapaglaro para sa bansa sa Women’s Asia Cup na gaganapin sa Amman, Jordan mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 3. “It is such a surreal moment. It’s always been a dream of mine.” pag-amin sa One Sports’ The Game ni Fajardo, dating naglaro para sa national team sa 3×3 competitions. “I never expected that it would be this soon that coach Pat ­(Aquino)…

Read More

LILLARD LOYAL SA PORTLAND

BALITANG NBA Ni VT ROMANO SA pamamagitan ng social media, siniguro ni Damian Lillard ang kanyang pagbabalik sa Portland Trail Blazers para sa 2021-22 season. Post ni Lillard sa kanyang IG account: “Back for more…” “#RipCity is my city.” May kalakip itong larawan kung saan kumakaway siya sa fans habang pabalik sa arena. Nagkaroon ng espekulasyon ngayong offseason na ang six-time All-Star player ay naghahanap ng malilipatang koponan, lalo na’t nasibak ang Portland sa opening round ng NBA playoffs sa dalawang season. Nagkaroon ng espekulasyon na ang 31-year old player…

Read More

ASIAN YOUTH GAMES KANSELADO

HINDI na matutuloy ang Asian Youth Games ngayong taon. Sa halip, inoorganisa ng Olympic Council of Asia (OCA) na isagawa ito sa susunod na taon. Nakatakda ang 3rd Asian Youth Games sa Nobyembre 2021. Ngunit ngayon ay binabalak itong gawin sa Disyembre 2022. Wala naman pahayag ang OCA na ililipat ito ng venue, kaya malamang na sa Shantou City sa southern Guangdong, China pa rin gaganapin ang AYG. Ang kasalukuyang COVID-19 pandemic pa rin ang itinuturong dahilan sa pagkansela sa AYG.”The move is to ensure the safety and health of…

Read More

EALA PASOK SA SINGLES, DOUBLES Q’FINALS

Ni ANN ENCARNACION HUMAKBANG sa US Open ­juniors’ singles at doubles quarterfinals si Filipina tennis sensation Alex Eala. Unang tinalo ng Pinay na ranked no. 2 sa torneo ang naka­laban sa singles event na si 15th seed Michaela Laki ng Greece sa three sets, 4-6/7-5/6-4, Miyerkoles ng gabi. Dahil dito ay umabante sa quarterfinals ng singles event ang 16-anyos na Rafa Nadal Academy scholar at Globe Ambassador. Kung malulusutan ang sunod na makakalaban na si Sebastianna Scilipoti ng Switzerland Biyernes ng madaling araw (Manila time), uusad si Eala sa singles…

Read More

ALEX EALA vs AMERICAN NETTER

SASABAK sa US Open juniors’ singles event si Filipina tennis sensation Alex Eala para sa ­inaasam na ikatlong Grand Slam title. Dahil nakakuha ng “bye” sa opening round ng girls’ singles event, awtomatikong umabante ang 16-year-old netter sa second round kung saan makakalaban nito si ­American Charlotte Owensby. Second seeded ang Rafa Nadal Academy scholar at Globe Ambassador na Pinay kaya’t ­nabigyan ng bye sa nasabing torneo. Target ni Eala na mapasakamay ang unang Grand Slam singles title. Matatandaan na ang dalawang Grand Slam titles niya ay pawang sa doubles…

Read More