Ni ANN ENCARNACION PINAKAMATAAS na karangalan para sa mga bagong bayani ng Pilipinas – weightlifter Hidilyn Diaz at boxers Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial. Nakatakdang pagkalooban ng Office of the President ng pinakamataas na karangalan na Order of Lapu-lapu ang apat matapos ang matagumpay na kampanya nila sa 2020+1 Tokyo Olympics. Apat na medalya — gold mula kay Diaz, dalawang pilak mula kina Petecio at Paalam, at isang tanso mula kay Marcial– ang naiuwi nila mula sa pinakamatagumpay na kampanya ng bansa simula nang magpartisipa ito sa quadrennial…
Read MoreCategory: SPORTS
ROACH, KUMPIYANSANG MANANALO SI PACQUIAO
ISANG linggo bago ang laban ni eight-division champion Manny Pacquiao at wala pang talong Amerikano na si Errol Spence Jr., patuloy na pinahahanga ng una si Hall of Fame trainer Freddie Roach. Si Pacquiao at ang kanyang team kasama sina chief trainer Buboy Fernandez at assistants Nonoy Neri at Roger “Haplas” Fernandez ay nasa Los Angeles mula pa noong Hulyo 5 upang paghandaan sa Wild Card Gym ang laban kontra Spence sa Agosto 21 sa T-Mobile Arena, Las Vegas. “Manny isn’t training hard to say goodbye,” pagtitiyak ni Roach sa…
Read More2021 VisMin Super Cup Championship BASILAN vs MANDAUE
SIMULA na ngayon (Agosto 11) ng best-of-five Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Championship sa pagitan ng Jumbo Plastic-Basilan at KCS-Mandaue. KCS-Mandaue ang kampeon sa Visayas leg habang Jumbo Plastic-Basilan ang naghari sa Mindanao leg noong Lunes ng gabi sa Pagadian City Gymnasium, Zamboanga del Sur. Dinomina ng Peace Riders ang Petra Cement-Roxas Vanguards, 89-70, para tapusin ang best-of-three title series sa 2-0 at kunin ang titulo sa Mindanao leg ng kauna-unahang professional league sa South. Umukit ng kasaysayan ang Basilan nang magtala rin ng imakuladang 10-0 rekord sa 9-team, one-round…
Read MorePH 1st OLYMPIC GOLD SA BOXING Halos abot-kamay na ni Paalam
Ni ANN ENCARNACION LALABAN para sa gold medal sa men’s flyweight si Carlo Paalam matapos manaig kay Tanaka Ryomei ng Japan sa kanilang semifinals match up kahapon sa Kokugikan Arena. Nanalo si Paalam sa bisa ng unanimous decision (5-0) sa kabila ng pagiging mas matangkad at agresibo ni Tanaka. Makakalaban ng 23- anyos na Pinoy ang taga-Great Britain na si Galal Yafai sa finals sa Sabado. Gaya ng kanyang plano, naging maingat ngunit hindi nagpabaya si Paalam sa pakikipagtuos sa hometown bet na si Tanaka. Ito’y sa kabila ng napaulat…
Read MoreP.5-M sa bawat non-medalist Pinoy Olympians HINDI UUWING LUHAAN
Ni ANN ENCARNACION BILANG pasasalamat sa kanilang magiting na kampanya sa 2020+1 Olympics, pagkakalooban ng Philippine Olympic Committee (POC) at MVP Sports Foundation ng kalahating milyong piso (P500,000) ang bawat atletang Pilipino na nabigong makasungkit ng medalya sa Tokyo. “The non-medalists in the Tokyo Olympics will receive incentives of P500,000 each. No one will be left behind,” sabi ni POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino. Naniniwala ang POC at MVP Sports Foundation ni business tycoon Manuel V. Pangilinan na karapat-dapat bigyan ng insentibo maging ang non-medalists na miyembro ng Team…
Read MorePH sa 1936 Berlin Olympics ISANG CHINESE PUZZLE
Ni EDDIE ALINEA AGOSTO taong 1936, panahon ng ilang makabuluhang kaganapan sa sports sa daigdig. Sa Yankee Stadium sa New York, si Joe Louis, tinaguriang “Brown Bomber” sa boksing ay nakaganti sa kanyang TKO na pagkatalo sa Alemang si Max Schmeling noong Hunyo 1935 nang pahintuin niya si Jack Sharkley, dating kampeon sa heavyweight, sa third round sa harap ng 35,000 apisyonado. Ngunit ang XI Games of the Olympiad na binuksan sa loob ng tinawag na “Kurtinang Bakal” sa Berlin noong Agosto 1 sa pangunguna ni Adolf Hitler at humigit-kumulang…
Read MorePH sa 1932 L.A. Olympics PAGOD, GINAW AT GUTOM TINIIS NI SIMEON TORIBIO
TATLONG medalyang tanso ang napanalunan ng Pilipinas noong 1932 Los Angeles Olympics, na tinanghal na pinaka-matagumpay na partisipasyon ng bansa sa Olimpiyada sa nakalipas na halos 90 dekada. Ang swimmer na si Teofilo Yldefonso at boksingerong si Jose “Cely” Villanueva, tulad ni Simeon Toribio ay nakakuha rin ng bronze medal sa L.A. Ikalawang bronze na ito ni Yldefonso, na unang nagkame-dalya noong 1928 sa Amsterdam. Sa L.A. pa rin ay pumang-apat si Martin Gison sa shooting, at panlima si Jikirum Adjuladdin sa swimming. Makaraan ang 89 taon, nahigitan ng 19…
Read MoreDating nangangalakal ng basura OLYMPIC MEDALIST NA NGAYON
Ni ANN ENCARNACION KUNG dati’y basura, ngayon ay Olympic medal na ang kinukuha ng Pilipinong boksingero na si Carlo Paalam. Katunayan, sigurado nang may bronze medal mula sa Tokyo Olympics ang 23-anyos na Pinoy matapos siyang magwagi sa men’s flyweight quarterfinal bout sa Kokugikan Arena kahapon. Dating nangangalakal ng basura para makatulong sa kanyang pamilya sa Cagayan de Oro si Paalam. Una siyang nadiskubre sa ilalim ng boxing program ni City Mayor Oscar Moreno na bahagi ng grassroots sports program ng Philippine Sports Commission’s (PSC) Batang Pinoy at Philippine National…
Read MorePara sa silver medal sa Tokyo P17M, CONDO PARA KAY PETECIO
Ni ANN ENCARNACION HINDI man gold at Olympic silver medal lang ang maiuuwi ni Pinay boxer Nesthy Petecio, panalo pa rin siya kung pagbabasehan ang mga makukuha niyang insentibo. Kabilang sa mga ito ang P17 million total cash incentives– P5 million base sa Republic Act 10699 para sa runner-up finishers sa Olympics, tig-P5 million mula kina corporate magnates Manny Pangilinan at Ramon Ang, at dagdag na P2 million mula kay 1Pacman Cong. Mikee Romero. Makatatanggap din si Petecio ng P10-million Suntrust condominium sa Davao City mula sa real estate tycoon…
Read More