PASOK si Filipino gymnast Carlos Yulo sa final Tokyo Olympics vault apparatus event nang mapasama sa top eight, Sabado ng gabi sa Ariake Gymnastics Center. Nag-average ng 14.712 si Yulo sa dalawang vaults niya, una ay Kasamatsu double full para sa 14.766 at Dragulescu vault para sa 14.658 scores. Nabigo naman siya sa paborito niyang floor exercise na nagpanalo sa kanya ng gintong medalya sa 49th FIG Artistic Gymnastics World Championships noong 2019. Umiskor si Yulo ng 14.000 sa still rings (24th), 13.466 sa parallel bars (55th), 12.300 sa horizontal…
Read MoreCategory: SPORTS
MISOR SINAMANTALA NG ROXAS
TINABUNAN ng Petra Cement-Roxas ang kulang sa players na MisOr, 113-87, Sabado ng gabi para patatagin ang kampanya sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao leg sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur. Ibinaba ng Vanguards ang 30-18 run sa second period para sa 19 puntos na kalamangan sa halftime, 58-39. Nagpatuloy ang mainit na opensa ng Roxas para tuluyang ibaon ang Authoritea, 94-62, tungo sa ika-apat na panalo sa anim na laro. Naglaro ang Misor na wala ang key players dahil sa injury na sina JR Cawaling…
Read MoreOLYMPICS GOLD, GOAL NI DIDAL
Ni VT ROMANO BIBITBITIN ni Margielyn Didal ang pagiging ‘golden girl’ sa Ariake Sports Park ngayong araw para sa inisyal staging ng skateboard competition sa Tokyo Games. Sa inaugural skateboard event sa Asian Games at Southeast Asian Games, nagpakitang-gilas si Didal at nagbulsa ng gintong medalya. Naging bukambibig ang pangalan niya mula sa kanyang golden performances sa 2018 Asiad sa Palembang. Sinundan niya ito ng golden feat nang sumunod na taong SEA Games kung saan nag-overall champion ang Pilipinas. Target ni Didal na kuminang din ang pangalan sa pagsabak sa…
Read MoreTokyo Olympics nagsimula na MARCIAL DADAAN SA SHORTCUT
Ni ANN ENCARNACION NAKAKUHA ng bye derecho sa Round of 16 ng men’s middleweight sa Tokyo Olympics si Eumir Marcial. Dahil sa fourth seeding, maghihintay pa ng makakalaban ang Pinoy three-time Southeast Asian Games champion at 2019 world silver medalist. Ang mananalo sa pagitan nina Algeria’s Younes Nemouchi at Uganda’s Kavuma David Ssemujju ang makakaharap ni Marcial sa quarterfinals ng men’s 69-75kg sa Hulyo 29 sa Kokugikan Arena. Bigong makakuha ng bye si World champion Nesthy Petecio kaya dadaan siya sa mahabang ruta ng Round of 32 ng women’s featherweight…
Read MoreROWER NIEVAREZ SA Q’FINALS
NAKAPASOK si rower Cris Nievarez sa quarterfinals ng men’s single sculls na ginaganap sa Sea Forest Waterway. Magandang simula ito para sa 20-anyos na tubong Atimonan, Quezon para sa kanyang unang pagsabak sa Olympics. Sinusulat ito ay hindi pa nagsisimula ang q’finals race ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist na si Nievarez, na makikipag-unahan ng pagsagwan kina 2016 Rio Olympic silver medalist Damir Martin ng Croatia, Privel Hinkati ng Benin, Felix Potoy ng Nicaragua at Alexander Vyazovkin ng Russia. TAEKWONDO JIN BARBOSA SABAK AGAD SA WORLD NO. 1 MATINDING…
Read MoreVisMin Super Cup ILIGAN KUMALAS NA
INANUNSIYO ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup ang pag-atras ng Iligan Archangels. ‘Internal problem’ sa loob ng organisasyon ang sinasabing dahilan ng pagkalas ng Iligan mula sa kauna-unahang liga propesyunal sa South. “Team Iligan already backed out from the Mindanao Leg. There was an internal problem and they decided to pull out,” pahayag ni VisMin Cup head of basketball operations Cheltio Caro sa ginanap na pagpupulong via Zoom. Tangan ng Archangels, pagmamay-ari ni Mayor Celso Regencia at pinangangasiwaan ni coach Dane Lariosa, ang sadsad na 0-5 kartada sa Mindanao leg.…
Read MoreDahil sa COVID-19 surge FIBA ASIA CUP INUSOG SA 2022
NAGDESISYON ang FIBA na i-postpone ang Asia Cup sa susunod na taon. Jakarta, Indonesia pa rin ang host ng ‘biggest cage meet in the region,’ ayon sa FIBA. Sa ginanap na miting sa Lebanon, napagkasunduan ng FIBA Asia Board na kanselahin na muna ang Asia Cup. Ang current surge o pagsipa ng COVID-19 cases sa Indonesia ang pangunahing dahilan kaya’t nagkaisa ang Board na iusog sa Hulyo 2022 ang FIBA Asia Cup. Orihinal na nakaiskedyul ang Asia Cup sa Agosto 16 hanggang 28. “The FIBA Asia Cup will be played…
Read MoreBakit mananalo si Pacquiao kay Spence?
WALANG dudang mas bata ng 11 taon ang Amerikanong may-ari ng WBC at IBF welterweight belts na si Errol Spence Jr. kaysa kay eight-division champ Manny Pacquiao. Ito ang dahilan kaya marami ang nagsasabing mapapaganda pa ni Spence ang 27-0 rekord niya. Ngunit hindi rin maikakaila na mas malawak ang karanasan sa ring ng fighting senator at ama ng limang anak niya kay dating Bise Gobernador Jinkee Pacquiao. Ang wala pang talong Amerikano ay may 21 KOs sa 27 laban, habang si Manny ay may rekord na 71-ring fight sa…
Read MoreITF World Juniors Rankings ALEX EALA UMAKYAT SA NO. 2
MAKARAANG magkampeon sa Singles at Doubles sa JA tournament sa Italy, umakyat si Filipina teen tennis sensation Alex Eala sa number 2 spot sa International Tennis Federation World Juniors Rankings. Nag-imprub ng 467.5 ang standing ni Eala matapos ang kambal na panalo sa Trofeo Bonfiglio tournament sa Milan Linggo ng gabi. Kaya mula sa 2318.75 points ay tumalon sa 2786.25 ang 16-anyos na Pinay upang sipain ang dating world no. 2 na si Elsa Jacquemot ng France na may 2404.25. Ito ang ‘best rankings’ na nakamit ng isang Filipino tennis…
Read More