Ni ANN ENCARNACION KABILANG ang Gilas Pilipinas sa mga koponan na lalaban sa King Abdullah Cup sa Jordan mula Hulyo 25 hanggang Agosto 3. Limang bansa ang kasama sa torneo kabilang ang host Jordan, Pilipinas, Saudi Arabia, Egypt at Tunisia. Ang King Abdullah Cup ay parte ng paghahanda ng Gilas para sa 2021 FIBA Asia Cup sa Indonesia sa susunod na buwan. “The Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) wanted the team to get more games so we looked for the best possible option and decided that Jordan will be a…
Read MoreCategory: SPORTS
PAMILYA, INSPIRASYON NI PACQUIAO
Ni EDDIE ALINEA NASA Los Angeles na ang maybahay at mga anak ni Manny Pacquiao upang samahan ang eight-division world champion sa kanyang laban kay Errol Spence Jr. sa susunod na buwan. “Lumiwanag na naman ang bahay namin kasi dumating na si Jinkee at mga bata,” sabi ng 42-anyos na fighting senator patungkol sa asawa at mga supling na sina Jimwell, Michael, Princess, Queenie at Israel na kanyang sinalubong sa Tom Bradley International Airport noong nakaraang linggo. Kaya biglang nagkabuhay ang mansion ng senador at dating Sarangani Bise Gobernador Jinkee…
Read MoreVisMin Cup Mindanao leg BASILAN UMUKIT NG KASAYSAYAN
NAGTALA ng kasaysayan sa Chooks-to-Go VisMin Pilipinas Super Cup ang Jumbo Plastic-Basilan nang durugin ang Kapatagan, 118-84, Lunes ng gabi sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur. Nalagpasan ng imakuladang Basilan (3-0) ang pinakamalaking puntos na unang naitala ng MisOr na 111 dalawang araw na ang nakalilipas, at ang 34 puntos na bentahe ang ikalawang pinakamalaking agwat mula nang maitala ng MJAS Zenith Talisay ang 38 puntos na kalamangan kontra Tubigon, 104-66 sa Visayas leg. Mula sa 13 puntos na abante sa first half, pinalobo pa ito ng Basilan…
Read MoreInilagay sa health and safety protocols LAVINE, INIWAN NG TEAM USA
HINDI nakasama si Zach LaVine nang bumiyahe ang US men’s basketball team nitong Lunes patungong Japan para sa Tokyo Olympics. Inilagay si LaVine sa health and safety protocols, ayon sa USA Basketball. Gayunpaman, umaasa pa rin ang koponan na makakahabol sa Tokyo si LaVine ng Chicago Bulls, may 13 points sa exhibition ng team kontra Spain noong Linggo. Unang nalagay sa health and safety protocols si Washington Wizards star Bradley Beal. Pinalitan siya ni San Antonio Spurs’ Keldon Johnson. Si Kevin Love naman ay nag-withdraw dahil sa calf injury at…
Read More4 players nagpositibo sa COVID kaya… 2 PBA GAMES KANSELADO
Ni VT ROMANO ILANG araw pa lang mula nang mag-umpisa ang PBA Philippine Cup, dalawang laro ang kanselado ngayong araw (Miyerkoles) sanhi ng health and safety protocols. Sa official statement ng PBA nitong Martes, kanselado ang mga laro sa pagitan ng Terrafirma at Alaska at TNT vs. Magnolia Pambansang Manok matapos na apat na manlalaro ng Tropang Giga ang nagpositibo sa virus. Ang apat na manlalaro ay naka-isolate na at nakatakda para sa confirmatory COVID-19 tests, ayon sa PBA. Negatibo naman ang iba pang manlalaro ng TNT, bagama’t naka-isolate na…
Read MoreBUHAIN, PROUD MAPABILANG SA HOF
LUBOS na karangalan at pasasalamat ang nadarama ngayon ni Southeast Asian Games 13-time gold medalist Joseph Eric Buhain nang mapabilang sa listahan ng 10 sportsmen, sa fourth batch ng Philippine Sports Hall of Fame. “Pasasalamat sa Panginoon sa pagbibigay sa akin ng talento at determinasyon. Sa aking Daddy Bien at Mommy Cecile sa deka-dekada nilang pagsa- sakripisyo at suporta sa aking swimming career. Utang ko sa inyo ang mapabilang sa Philippine Sports Hall of Fame,” simulang pahayag ni Buhain. Ang PSHOF ay natatanging parangal na ibini-bigay sa mga dating atleta,…
Read MoreYULO AT DIAZ ‘HELLO, GOODBYE’ SA TOKYO
Ni ANN ENCARNACION DAHIL sa pinaiiral na istriktong safety and health protocols bunsod ng COVID-19 pandemic, hindi na nakapag-usap nang magkita sina Filipino gymnast Carlos Yulo at weightlifter Hidilyn Diaz sa Olympic Village sa Tokyo, Japan. Kaya sa social media na lang idinaan ng 2016 Olympics silver medalist na si Diaz ang kanyang gustong sabihin sa world champion at kababayang si Yulo. “Sana mahaba ang usapan natin champ Caloy Yulo. Goodluck sa laban mo sa July 24. Kaya mo yan,” social media post ng 2018 Asian at 2019 Southeast Asian…
Read MoreVisMin Cup Mindanao leg ROXAS, MISOR UMISKOR NG PANALO
PAREHONG ‘kayod-kabayo’ ang Petra Cement-Roxas at MisOr Brew Authoritea bago nangibabaw sa kanilang nakalaban sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao leg Linggo ng gabi sa Pagadian City Gymnasium, Zamboanga del Sur. Naisalpak ni Lester Reyes ang buzzer-beating layup para akayin ang Petra Cement-Roxas sa gahiblang 71-69 panalo laban sa JPS Zamboanga City, habang bumalikwas sa krusyal na sandali ang MisOr tungo sa 111-105 win. Tabla ang iskor sa 69-all matapos ang three-pointer ni Leo Najorda may 19.7 segundo ang nalalabi, nakuha ng Vanguards ang bola nang sumablay ang…
Read MoreJA Trofeo Bonfiglio SINGLES, DOUBLES WINALIS NI EALA
DOBLE-PANALO si Filipina tennis sensation Alex Eala sa katatapos lang na JA Trofeo Bonfiglio sa Milan, Italy. Nagreyna ang 16-anyos na Pinay sa girls Singles title Linggo ng gabi matapos talunin si Nikola Bartunkova ng Czech Republic, 6-3, 6-3, sa kanilang finals match-up. Nauna rito, wagi rin siya at kapartner na si Madison Sieg ng United States sa girls Doubles noong Sabado ng gabi. Dinomina nina Eala, 16, at Sieg, 18, ang nakalaban sa finals na si Lucija Ciric Bagaric ng Croatia at katandem nitong si Sofia Costoulas ng Belgium,…
Read More