Ang kauna-unahang Thirteen Artists Awards (TAA) online press conference na isinagawa Hunyo 30 ay nagbigay-daan upang pormal na ianunsyo ang mga nagwagi sa Cultural Center of the Philippines’ 13 Artists Awardees for 2021. Ang mga awardee ay sina Allan Balisi, Nice Buenaventura, Gino Bueza, Mars Bugaoan, Rocky Cajigan, Geloy Concepcion, Patrick Cruz, Ian Carlo Jaucian, KoloWn, Czar Kristoff, Lou Lim, Ryan Villamael at Catherine Sarah Young.
Ang selection committee sa taong ito ay kinabibilangan ng mga artist na sina Imelda Cajipe Endaya (13 Artists 1990), Nona Garcia (13 Artists 2003), Nap Jamir II (13 Artists 1974), and Gerry Tan (13 Artists 1988), kasama si Rica Estrada ng CCP Visual Arts and Museum Division. Ang mga juror ay indibiduwal na dumaan sa eighty-eight artist portfolios, na may final online deliberations sa isang grupo.
Ang 13 Artists Awardees ay tatanggap ng isang production grant upang makapag-produce ng bagong likha para sa isang group exhibition sa CCP. Ang exhibition sa taong ito ay curated ni Shireen Seno (13 Artists 2018) at ang trophy na tatanggapin ng mga artist ay dinisenyo ni Mac Valdezco (13 Artists 2006). Ang TAA awarding ceremony at exhibition ay iaanunsyo kalaunan.
Sa 18th year of conferment, ang CCP 13 Artists Award ay ang oldest government award para sa visual artists. Ipinagdiriwang nito ang 50 taong pagkakatatag noong 2020 at nagpakilala na sa 198 artists bilang awardees. Isa ito ngayong kilalang National Artist at may apat nang Gawad CCP awardees.
Para sa iba pang impormasyon, tumawag sa CCP Visual Art and Museum Division, Production and Exhibition Department, at mag email sa vamd@culturalcenter.gov.ph o sa kanilang social media pages www.facebook.com/ccpvamd
