CLIMATE CHANGE AGENDA NG MARCOS ADMIN SUPORTADO NG PITMASTER FOUNDATION

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

HINDI na bago sa Pilipinas ang tamaan ng bagyo o ­kalamidad tuwing panahon ng tag-ulan.
Kada taon, kung hindi ako nagkakamali, higit 20 bagyo ang dumaraan sa bansa.

Kahit umuulan at bumabaha, hindi rin naman maitatanggi na may dala rin itong tubig na mahalaga sa atin.

Tuwing rainy season kasi, napupuno ang mga dam at nadidiligan ang mga halaman at pananim.

Ang mga dam din ang pinagkukunan ng water ­supply sa ilang lugar, kabilang ang Metro Manila.

Kung ihambing naman sa Europa at Amerika, matindi ang tama sa kanila ng climate change.

Sabi nga, malaking pinsala sa kalikasan ang nagaganap.

Matindi ang naging epekto ng Hurricane Ian sa Florida at iba pang bahagi ng US.

Climate change o ang pagbabago ng klima ng buong mundo ang dahilan daw nito.

Kung sobrang ulan sa iba, sobrang tuyo naman sa ibang bansa.

Kumbaga, hindi na balan-se ang klima.

Matindi ang epekto nito sa kabuhayan at ekonomiya ng mga bansa sa mundo.

Kaya tuloy-tuloy ang climate change policy agenda ng Marcos administration na suportado naman ng maraming organisasyon tulad na lamang ng Pitmaster Foundation, Inc.

Solido ang suporta ng Pitmaster sa mga programa ng pamahalaan pagdating sa nasabing usapin, bilang tugon na rin sa agarang panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos nang magtalumpati ito sa ­United Nations General ­Assembly (UNGA).

Kung matatandaan, sa Disaster and Climate Emergency Policy Forum kung saan naging guest speaker si Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, binanggit ni Atty. Caroline Cruz, Executive Director ng Pitmaster na makakaasa ang administrasyon ng todong suporta sa agenda at programa na may kaugnayan sa disaster emergency at climate change, ng punong ehekutibo.

Tama nga naman, isa sa pangunahing misyon nila ang pagtulong sa oras ng kalamidad.

Umaagapay rin sila sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.

Nakabibilib dahil nariyan at nakikiisa sila para mabawasan ang masamang epekto ng climate change sa bansa.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Cruz na tuloy-tuloy ang pagtupad nila sa kanilang naipangakong mga tulong kahit suspendido ang operasyon ng Lucky 8 Star Quest Inc. o e-sabong na siyang pinagkukunan nila pondo para sa kanilang charitable missions.

Mabuhay po kayo at God bless!

255

Related posts

Leave a Comment