27 INSIDENTE NG KARAHASAN SA ELEKSYON NAITALA NG PNP

BAGAMAN iniulat ng Pambansang Pulisya na batay sa kanilang datos ay mapayapa sa pangkalahatan ang katatapos na halalan, nakapagtala ng 27 insidente ng karahasan nitong Mayo 12, election day.

Sinabi ni PNP-PIO chief PCol. Randolph Tuaño, na may kabuuang 46 validated related incidents simula sa buwan ng Enero 2025.

Sa mismong araw ng eleksyon ay nakapagtala ng 27 insidente na may kinalaman sa eleksyon, lima ang naitalang pamamaril, tatlong pagsabog, pambubugbog at iba pang insidente.

Ayon kay Tuaño, 14 ang naganap sa Bansamoro Autonomous Region (BARM) kung saan lima ang binawian ng buhay habang apat naman ang nasugatan.

Dalawa naman ang namatay at pito ang sugatan makaraang pagbabarilin ng mga suspek habang nakatayo sa harapan ng isang political headquarters sa Silay City, Negros Oriental.

Iginiit ng PNP na naging mapayapa ang katatapos na election sa kabila ng siyam na pagkamatay at 17 ang sugatan sa mismong araw ng botohan.

(TOTO NABAJA)

230

Related posts

Leave a Comment