KASO NG MISSING SABUNGEROS VS ATONG ANG AT ORAPA, INILIPAT SA RTC BRANCH 175

INILIPAT na sa Regional Trial Court (RTC) Branch 175 ng Maynila ang kaso ng kidnapping at serious illegal detention laban kay gambling tycoon Charlie “Atong” Ang at Police Lieutenant Colonel Ryan Jay Orapa kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero.

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na pinagbigyan ng RTC Branch 185 ang mosyon ng prosekusyon na amyendahan ang information matapos matukoy ng prosecution panel na may prima facie evidence upang kasuhan ang dalawang akusado.

Kasunod nito, naghain ang depensa ng mosyon para sa inhibition laban sa presiding judge ng Branch 185, na pinagbigyan naman ng korte. Dahil dito, inilipat ang kaso sa Branch 175 ng parehong hukuman.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, naghain naman ang depensa ng mosyon upang ipagpaliban ang arraignment at suspendihin ang mga paglilitis habang nakabinbin ang kanilang petition for review sa DOJ.

Nabanggit na ng korte ang mosyon at hinihintay pa ng mga partido ang karagdagang aksyon at ang pagtatakda ng susunod na pagdinig.

(JULIET PACOT)

39

Related posts

Leave a Comment