POSIBLENG paghihiganti ang motibo sa panibagong pananambang sa mga sundalo sa Lamitan City, Basilan, nitong Huwebes ng gabi, na ikinasugat ng pitong sundalo at ng mag-amang sibilyan. Ayon sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), posibleng paghihiganti ng armadong grupo ni Saddam Siddick ang nasa likod ng pag-atake, kasunod ng operasyon sa Barangay Baimbing, Lamitan City, na ikinamatay ng ikalawang asawa nitong si Nermalyn Salapuddin Musa. Batay sa ulat, sinundo ng mga sundalo ang kanilang mga kasamahan sa Zamboanga City at pabalik na sa kanilang headquarters sa Tipo-Tipo nang tambangan…
Read MoreDay: October 10, 2026
DESTINASYON NG 521 KILO NG HINIHINALANG METH NA NASABAT SA PRIVATE JET, INIIMBESTIGAHAN
HINDI pa matukoy ng Philippine National Police (PNP) kung sa Pilipinas nakatakdang dalhin ang 521 kilo ng hinihinalang methamphetamine na nasabat sa isang private jet sa Laos. Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Allen Rae Co, batay sa ulat ng Malaysian police, nasabat ng mga awtoridad sa Luang Prabang International Airport sa Laos ang 23 maleta na naglalaman ng 500 pakete ng hinihinalang ilegal na droga noong Oktubre 1, 2026. Galing umano sa Subang Airport sa Malaysia ang chartered private jet at patungo sa Laos. Pagdating sa Luang…
Read MoreNATAKOT SA KUYOG? 5 PULIS, SINIBAK SA BIGONG PAG-ARESTO SA DRUG SUSPECT
APAT na pulis, kabilang ang kanilang sub-station commander, ang inalis sa kanilang puwesto matapos mabigo sa pag-aresto sa isang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa Lower Bicutan, Taguig City. Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief PCol. Allen Rae Co na rumesponde ang mga pulis sa ulat hinggil sa umano’y paggamit ng marijuana sa lugar. Gayunman, hindi umano naaresto ng mga pulis ang suspek dahil sa pangambang kuyugin sila ng mga residente at mauwi sa kaguluhan ang insidente. Dahil dito, nakatakas ang suspek…
Read MorePADILLA NO-SHOW SA IKALAWANG PRELIMINARY INVESTIGATION SA KANYANG OBSTRUCTION OF JUSTICE CASE
HINDI dumalo si Senator Robinhood Padilla sa ikalawang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) nitong Oktubre 9, 2026, kaugnay ng kasong obstruction of justice na isinampa laban sa kanya ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG). Patuloy namang inabangan ng mga mamamahayag ang pagdating ni Atty. Julius Henry Balteza, legal counsel ni Padilla, upang ipaliwanag ang legal na hakbang at depensa ng kampo ng senador. Kasama rin sa legal team ni Padilla si Atty. Jimmy Bondoc, na dumalo sa unang pagdinig at abogado rin ng iba pang…
Read MoreNDRRMC, OCD, ILULUNSAD ANG PANATAG PILIPINAS 3.0 SA MGA PAARALAN
MAKIKIISA ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) sa paggunita sa International Day for Disaster Risk Reduction (IDDRR) 2026 sa pamamagitan ng pagsusulong ng kahandaan sa mga tahanan at paaralan. Ayon sa Department of National Defense (DND), ang tema ng IDDRR 2026 na “Resilience Starts at Home” ay nagbibigay-diin sa mahalagang papel ng mga tahanan sa pagbuo ng ligtas at matatag na bansa. Bilang pakikiisa ng Pilipinas, isinusulong ng NDRRMC at OCD ang lokal na temang “Panatag na Tahanan at Paaralan,” kasabay…
Read MoreKOMUNIDAD NG SICOGON NANAWAGAN KAY PBBM, SENADO AT DAR SA ISYU NG LAND SWAP
NANAWAGAN ang komunidad ng Sicogon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Senado at Department of Agrarian Reform (DAR) na aksyunan ang petisyon para ipawalang-bisa ang kautusan sa land swap na sumasaklaw sa ilang bahagi ng Isla ng Sicogon sa Iloilo. Kasabay nito, hiniling ng komunidad na tugunan ang matagal nang mga alalahanin kaugnay ng 16 na taong joint venture ng Ayala Land Inc. (ALI) at Sicogon Island Development Corporation (SIDECO), na itinatag noong 2010 sa pamamagitan ng Sicogon Tourism Estate Corporation (SITEC). Layunin ng pakikipagsosyo na paunlarin ang isla bilang…
Read MoreP29.17M HALAGA NG YOSI, NADISKUBRE SA KARGAMENTONG IDINEKLARANG SCRAP METAL
TINATAYANG P29.17 milyon ang halaga sa merkado ng 320 kahon ng hinihinalang puslit na sigarilyong nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Subport of North Harbor matapos ideklara ang kargamento bilang scrap metal. Nadiskubre ang mga sigarilyo nang sumailalim sa spot checking ang dalawang 20-foot container van na nagmula sa Zamboanga, sa tulong ng K9 unit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Natuklasan sa isang container ang mga sigarilyong may tatak na Astro at Redwood, habang naglalaman naman ang isa pang container ng mga white cigarette filter na nakalagay sa…
Read MoreDBM ACTING SECRETARY, ININSPEKSIYON MODERNONG PASILIDAD NG UP MANILA
PINANGUNAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Acting Secretary Kim Robert de Leon ang inspeksyon sa mga modernong pasilidad at kagamitan ng University of the Philippines Manila nitong Biyernes, Oktubre 9, 2026. Kasama ni de Leon si UP Manila Chancellor Dr. Michael Tee sa pag-iikot sa mga pasilidad na sumasalamin sa mga pamumuhunan sa modernong kagamitan at lugar ng pag-aaral. Layunin ng mga pamumuhunang ito na suportahan ang libre at de-kalidad na mataas na edukasyon at palakasin ang praktikal na pagsasanay ng mga mag-aaral na magiging propesyonal sa larangan…
Read MoreMODERNIZATION CONVENTION SINALUBONG NG PROTESTA
SINALUBONG ng kilos-protesta ng militanteng transport group na PISTON ang Public Transport Modernization Convention na idinaos sa Baguio City noong Huwebes, sa pangunguna ng World Bank, Department of Transportation (DOTr) at pamahalaang lungsod. Nagsagawa ng protesta ang PISTON Metro Baguio sa tapat ng Venus Parkview Hotel, kasama ang mga miyembro ng grupong Anakbayan, isang oras bago magsimula ang convention. Nakiisa rin sa pagkilos ang mga mag-aaral at kabataan bilang pagpapakita ng suporta sa laban ng mga tsuper at operator laban sa jeepney modernization program. Mariing tinutulan ng mga nagprotesta ang…
Read More