TIYAK si Senador Nancy Binay na hindi palalampasin ni Senate Committee on Envrionment Chairperson Cynthia Villar ang budget hearing upang pagpaliwanagin ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ‘whitesand’ project sa Manila Bay na inuna sa halip na ang pagtoyak sa kalidad ng tubig.
Kasunod ito ng paghahain ni Senador Leila de Lima ng resolusyon na nananawagan sa Senado na busisiin ang proyekto ng DENR sa Manila Bay.
Naniniwala si Binay na pagkakataon na rin ng DENR na magpaliwanag kung ano ba talaga ang dolomite na programa na ginawa nila.
Iginiit pa ng senador na sa halip na ang whitesand, mas nakabuti sanang inuna ng DENR ang pag-aayos sa kalidad ng tubig sa lugar.
“Sana nga inuna muna ang quality ng water. Nakita natin nung binuksan marami pumunta eh baka may mag-swimming eh di pa ata fit for swimming ang water doon. Baka may mga kababayan tayo na matuwa na porke maganda na ang buhangin isipin nila pwede na languyan,” diin ni Binay.
Sa Senate Resolution 532 ni de Lima, iginiit nito na ang pondo sa proyekto ay mas maganda sanang inilaan sa pag-ayuda sa 5.2 milyong nagugutom na pamilya.
“Contrary to Presidential Spokesperson Roque claims that ‘white sand’ makeover will give immeasurable benefit to Filipinos’ mental health, this P389 million band-aid project has indeed brought more harm than good,” dagdag pa ni De Lima sa resolusyon.
Nauna nang umani ng batikos sa iba’t ibang sektor ang nasabing proyekto ng DENR na isa umanong pag-aaksaya ng pondo. (DANG SAMSON-GARCIA)
166 