KINASTIGO ni Senador Joel Villanueva ang Department of Transportation (DOTr) sa mabagal at naantalang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga jeepney driver na lubhang naapektuhan ng corona virus 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa pahayag, sinabi ni Villanueva na nakatakda sa Bayanihan Law na dapat bigyan ng cash aid ang mga driver at operator ng Public Utility Vehicles (PUV) na nawalan ng hanapbuhay sanhi ng COVID-19.
Dahil dito, nakiusap si Villanueva sa DOTr nitong Biyernes na intindihin ang kalagayan ng taong apektado ng virus sa transport sector tulad ng drayber ng tradisyunal na jeepney na pinagbawalang bumiyahe kaya napilitan silang mamalimos sa kalye.
“We have pointed out numerous times why the disbursement of assistance to affected PUV and TNVS drivers has been consistently slow.
In fact, in our comments on the Bayanihan report we have consistently pointed out that the target is always 100,000 drivers only.
We wrote a letter to the IATF and the DOTr but unfortunately, we didn’t receive any response,” ayon kay Villanueva.
“I am voicing out the concerns of my kababayans here in Bulacan. Last time we heard, the cash aid delay was allegedly due to the DSWD’s speed in validating the masterlist given by the LTFRB.
Nakakalungkot lang po kasi dito sa Bulacan, at least tatlong cooperatives ang nagsasabing wala po silang natatanggap na kahit ano since the lockdown started,” giit pa ng senador.
Nagpahayag din ng pagkadismaya ang senador dahil nabigo ang ahensiya na magbigay sa komite ng aktuwal na bilang ng naapektuhan ng pandemya sa operasyon ng transportation industry partikular ang kalagayan ng PUV drivers na ngayon lamang makababalik sa biyahe sanhi ng mahigpit na quarantine.
Tiniyak naman ng mga opisyal ng DOTr na nakahanda na silang magbigay ng cash assistance ngunit hinihintay lamang ang go signal ng Department of Budget and Management kung paano ang pamamaraan ng distribusyon.
Ngunit, ipinaalala ni Villanueva na hanggang Disyembre lamang ang itatagal ng bisa ng Bayanihan 2. (ESTONG REYES)
274 