DIGONG KAYANG IDIIN NG MGA EBIDENSYA SA ICC

KAHIT bigyan ng Supreme Court ng mandato ang Philippine government hinggil sa premises ng habeas corpus, malakas pa rin umano ang mga ebidensya ng International Criminal Court (ICC) para madiin at makulong ng maximum of 30 years si dating pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang binigyang-diin ni ICC accredited lawyer Joel Butuyan sa idinaos na Meet the Manila Press sa Orosa St., Malate, Manila kahapon ng umaga.

Nilinaw ng abogado, hindi na responsibilidad ng Philippine government, maging ng Korte Suprema ang nomang legal remedies para mapagaan ang kasong Crimes Against Humanity na isinampa laban sa dating pangulo.

Magugunitang kamakailan, nagpasaklolo ang mga anak ni Duterte sa Supreme Court na kumukwestiyon sa legalidad ng pag-aresto sa kanilang ama.

Hiiniling din nila sa high tribunal na pauwiin ang kanilang ama at pigilan ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos na makipagtulungan sa Interpol at ICC.

“Kasi ang premise ng habeas corpus wala na sa atin, wala na sa jurisdiction ng SC, in the first place wala rin Supreme Court to ICC,” sabi pa ni Atty. Butuyan.

Sakaling ma-convict ng ICC si Duterte, posibleng maximum of 30 years of imprisonment or life imprisonment ang maihatol sa kanya.

Naniniwala ang abogado na malakas ang ebidensya dahil sa pagiging self-confess assassin ni Duterte.

Samantala, dapat muling sumali ang Pilipinas sa Rome Statute, ang internasyonal na kasunduan na lumikha sa International Criminal Court (ICC).

“Kailangan na natin bumalik talaga. Dapat nga hindi tayo dapat umalis,” pahayag pa ni Butuyan.

Ayon sa kanya, wala kakayahan ang Pilipinas na litisin si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga kasong pagpatay bilang krimen laban sa sangkatauhan.

“Pag ganitong klaseng krimen, wala tayong kapasidad o resolve na i-prosecute,” dagdag pa ng abogado.

Kailangan umano ng bansa ng tulad ng ICC para umayos ang ating mga lider at may kinatatakutan.

Ang nangyari aniya kay Digong ay bahagi ng paglilinis sa kultura at pagkatao lalo sa konsepto na kailangan pahalagahan ang buhay ng mga Filipino.

(JULIET PACOT)

64

Related posts

Leave a Comment