DIREKTIBA NI PBBM PARA SA TULOY-TULOY NA SERBISYO; PHILHEALTH, TINANGGAL NA ANG 45-DAY BENEFIT LIMIT

Muling pinatunayan ni PhilHealth Acting President and CEO Dr. Edwin M. Mercado na isakatuparan ang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking “tuloy-tuloy ang serbisyo ng PhilHealth” sa pagtanggal ng polisiya nitong 45-day benefit limit.

“Ang 45-day limit sa paggamit ng benepisyo ay lumang estratehiya sa pagkontrol ng gastos. Ngunit sa pagbabago ng ating payment mechanism, napapanahon nang repormahin ito dahil hindi natin mahuhulaan kung kailan mangangailangan ng serbisyong medikal ang mga kababayan natin. Marami sa mga serbisyo ang kinakailangan higit sa 45 araw. Kaya naman nagpapasalamat tayo sa PhilHealth Board sa pag-apruba ng patakarang ito,” paliwanag ni Dr. Mercado.

Para sa detalye ng PhilHealth Circular 2025-0007, maaaring tumawag ang miyembro sa PhilHealth’s 24/7 touch points sa (02) 866-225-88 o sa mobile numbers (Smart) 0998-857 2957, 0968-865-4670, (Globe) 0917-1275987 o 0917-1109812. Maaari din itong i-download sa www.philhealth.gov.ph.

#Rise30
#SamasamangPagangatParaSaBagongPilipinas

105

Related posts

Leave a Comment