DIGONG NAGPASAKLOLO SA SUPREME COURT

TILA dininig ng langit ang panalangin ng mga tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte at Senator Ronald “Bato” dela Rosa na bigyan sila ng tsansa para palayain kaugnay sa extra judicial killings na inasunto laban sa kanila sa International Criminal Court (ICC).

Ito ay makaraang agad ipag-utos ni Chief Justice Alexander Gesmundo, na magsagawa ng special raffle sa petisyon na kumukwestiyon sa legalidad ng implementasyon ng warrant of arrest laban kay Duterte.

Kasunod ito ng ginawang pag-aresto, Martes ng umaga kay Duterte nang dumating sa bansa mula Hong Kong sa bisa ng warrant mula sa ICC.

Iginiit nina Duterte at Dela Rosa sa SC na harangin at pigilan ang pakikipagtulungan ng gobyerno ng Pilipinas sa ICC.

Sa pahayag ng Korte Suprema, isang raffle ang isinagawa alinsunod sa Rule 7, Section 7 ng Internal Rules ng SC dahil na rin sa kahalagahan ng kaso at utos ng Punong Mahistrado.

Inihain sa Korte Suprema ngayong Martes ng hapon ang Petition for Certiorari and Prohibition with Prayer for the Issuance of Temporary Restraining Order and/or Writ of Preliminary Prohibitory and Mandatory Injunction.

Hinihiling din nila na suspendihin ang lahat ng kooperasyon sa ICC habang gumugulong ang kaso.

Ipinadedeklara rin ng petitioners sa SC na tuluyang ipawalang bisa sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute noong March 17, 2019 ang hurisdiksyon ng ICC sa bansa at sa mamamayan nito. (JULIET PACOT)

21

Related posts

Leave a Comment