HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magbigay ng mas maraming disenteng tirahan para sa pagbabalik ng overseas Filipino workers (OFW) upang matiyak ang kanilang kalusugan at kaligtasan sa panahon ng COVID-19.
Tugon ito ng senador sa nakakaawang kalagayan ng mga OFW na nagsisiksikan sa maliit na OWWA shelter house tulad ng ibinahagi ng isang lalaking OFW sa pamamagitan ng social media.
“We are placing all OFWs arriving under quarantine in government-sponsored facilities in order to prevent the possibility of wider coronavirus infection in the country. But cramping all of them in a small room is a recipe for disaster.
It’s like we are incubating time bombs with devastating consequences,” sabi ni Gatchalian.
Sinabi ng senador na ang OWWA ay maaaring gamitin ang P19.4 bilyong trust fund ng mga miyembro nito upang mabigyan ng disenteng quarantine house at iba pang mga pangangailangan sa kanilang 14-araw na quarantine period ang mga OFW.
Aniya, kahit ang pondo ng OWWA ay hindi pangunahing inilaan para sa repatriation, dapat ituon ng ahensya ng gobyerno ang lahat ng mga pagsisikap at mapagkukunan para sa emergency repatriation ng mga OFW lalo na sa mahahalagang oras tulad nito. NOEL ABUEL
228 