DOH NA NAMAN???

ANO ba yan?

Sa halip na makatulong sa kinakaharap na pandemya ng bansa, aba’y wala palang inatupag itong isang kamag-anak umano ng isang opisyal ng Department of Health kundi ang magkamal ng limpak-limpak na salapi sa pagpapapasok ng gamot na Remdesivir para magamit sa mga tinamaan ng COVID-19?

Hala, kaya pala malaki ang pagtutol ng DOH sa paggamit ng Ivermectin na isang anti-parasitic oral medicine at sinasabing anti viral medicine din, dahil daw wala pang pag-aaral sa naturang gamot?

At ang masaklap ay siniraan pa ito ng DOH dahil ang Ivermectin daw ay ginagamit lang sa hayop?

Gayung marami ng mga kilalang tao kagaya ni Atty. Larry Gadon at Cong. Mike Defensor ang nagpatunay na nakakatulong ang Ivermectin sa paglaban sa corona virus. At sila mismo ay umiinom nito.

Kasi ang Ivermectin ay thirty five pesos lang samantalang ang Remdesivir na sa bawat pagturok sa mga pasyente na tinamaan ng COVID-19 ay umaabot pala sa hanggang fifty thousand pesos.

Syempre alam na this na mayroong anomalya dito.

Sa paghalungkat nga ni idol Raffy Tulfo, mura lang pala sa bansang India ang Remdesivir na hindi pala lagpas sa six hundred pesos.

Samantalang dito sa Pilipinas libo-libong patong pala ang ginagawa ng kasumpa-s­umpang kaanak ng DOH official na ito?! at yan din daw ang dahilan kung bakit lumulobo ang bulsa nito.

Panalangin ko sa nakakadiring kaanak ng nasabing DOH OFFICIAL na sana magpatuloy pa sa paglobo ang kanyang bulsa at sumabay na rin ang kanyang katawan at sumambulat ito na parang bomba!!!

Tao ba kayo o animal? ‘Di na kayo naawa sa taong bayan? Sabagay di naman natutulog ang “DIYOS”.sabi nga ng marami bahala na sa inyo si Lord “S”para ipadama sayo at sa kaanak mong taga DOH ang parusa.

Ngayon, ANG TANOOOOOOOOONG, sabi nga ng “EAT BULAGA”, may ginawa kayang hakbang dito si DOH Sec. Francisco Duque III para matukoy o ma-imbestigahan man lang ang anomalyang ito? O baka naman kiber lang si Sec. Duque kasi baka may dumiretso na rin sa bulsa nila?

Ang ‘di ko rin malaman kung bakit wala ring aksyon dito ang Department of Justice (DOJ) as “motu propio” ika nga, dahil maaari namang gawin ito ng DOJ dahil sa kanila rin naman iniatang ni Pangulong Mayor Duterte yong pag-iimbestiga sa nangyayaring katiwalian sa PhilHealth di ba??

Dahil yun palang bawat turok ng Remdesivir sa mga COVID-19 na ­pasyente ay sinasagot ng PhilHealth so alam na this?

Kinakana ang gobyerno ng sabwatang ito at pera po ng taong bayan ang nakukulimbat dyan!!

Alam nyo mayroon nga akong hinihintay na aksyon ng DOJ, doon sa concerned ng isang media practitioner na nagpa-swab test diyan sa bahagi ng airport na sa kabila ng binayaran niya yung ginawa sa kanyang pagsusuri ay kinuha rin ang ­impormasyon ng kanyang philhealth membership card?

So ano yon pababayaran din ba yon sa PhilHealth ng sumuri sa kanya?

Dapat talagang mapa imbestigahan yon,? Dahil maaring anomalya rin ng mga medical practitioner nagsa swab test sa ­ating mga kababayan yan, “doble bayad”?? di ba ­Secretary Menardo Guevarra Sir??, mabuti na lang sa awa ng Diyos eh nag negative naman yung media practitioner.

Kailan kaya magkaka­roon ng sagot ang DOJ doon sa concerned ng naturang media practitioner?

Sana mas maaga upang maipaalam kaagad sa taong bayan kung mayroong kabuktutang nangyayari sa mga kagaya ng kaso ng nagtatanong na media practitioner.

Sandali lang di ba ayaw na ayaw ni pangulong ­mayor Duterte sa ganyang mga katiwalian?

Aba’y dapat siguro kumilos na rin dito ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan dahil isa na namang matinding ­anomalya ito!

Nagbayad ka na ng buo tapos kukunin pa ang impormasyon ng iyong PhilHealth membership card?

Hmmm, sige lang mag­pakabundat kayo mga hinayupak kayong mga walanghiya, dahil kapag natukoy nga ng DOJ ang kabulastugan ninyo sasambulat din yan sa inyong pagmumukha.

151

Related posts

Leave a Comment