DSWD SEC. ERWIN TULFO, PINAKA-VISIBLE NA KAWANI NI PANGULONG MARCOS

RAPIDO Ni PATRICK TULFO

KALIWA’T KANAN ang dumarating na kalamidad sa bansa nitong nakaraang mga buwan. Mula sa mga apektadong residente ng lindol sa Northern Luzon at Mindanao, ngayon naman ay ang mga bagyong nanalasa sa iba’t ibang panig ng bansa.

Isa sa pinakaabalang departamento ngayon ay ang Department of Social Welfare and Development sa pangunguna ni Sec. Erwin Tulfo.

Hindi sa pagiging tyuhin ko siya, pero masasabi nating hindi nagkamali si Pangulong BongBong Marcos sa pagpili kay Sec. Erwin para pamunuan ang departamentong ito.

Isa si Sec. Erwin sa mga “visible” na secretary ng DSWD. Mula sa pagpunta niya sa mga apektadong residente sa Abra at Ilocos, ngayon naman ay makikita siya sa grounds upang personal na makita at matulungan ang mga nasalanta ng bagyo.

Ilang linggo mula nang ianunsyo ni Pangulong Marcos si Sec. Erwin bilang kawani ng DSWD, marami ang ­nagkwestyon sa kanyang ­kakayanan. Kaya sinabi ni Sec. Erwin na bigyan lamang siya ng anim (6) na buwan at kusa siyang magre-resign kung mapatunayang hindi siya epektibong kawani.

Pero sa ilang buwan pa lamang niya sa departamento, marami na siyang nagawa, kabilang na ang pagtanggal sa listahan ng 4Ps members na hindi naman karapat-dapat habang napakaraming nangangailangan ang hindi nabibigyan ng tulong.

Pero marami rin ang tumuligsa sa kanya dahil sa hindi umano organisado ang pamamahagi ng cash allocation sa mga maralitang estudyante. Ganun pa man ay humingi ng paumanhin si Sec. Erwin at nangakong aayusin ang pagkakaroon ng aberya.

Sa kabuuan, mas marami pa rin ang nagawa at magagawa pa ni Sec. Erwin bilang kawani ng DSWD, dahil tulad ng kanyang ginagawa noong sya ay mediaman pa lang, alam niya ang pangangailangan ng kapwa Filipino dahil sa dami at haba ng pumipila araw-araw sa kanyang opisina.

260

Related posts

Leave a Comment