NAKATAKDANG bisitahin ngayong hapon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Bulacan para magbigay parangal sa mga kinikilalang bayani ng lalawigan na sina Marcelo H. Del Pilar at Gregorio Del Pilar.
Bibisitahin din ng pangulo ang pamilya ng mga nasabing bayani at maging ang mga COVID-19 pandemic frontliner sa pagdiriwang ngayon ng bansa ng ika-123 Araw ng Kasarinlan.
Nakatakdang itaas ng pangulo ang watawat ng Pilipinas at mag-alay ng wreaths sa mga monumento nina Marcelo H. Del Pilar at Gregorio Del Pilar sa harap ng provincial capitol ng lalawigan, alas-3 ng hapon.
Sinabi naman ni Bulacan Governor Daniel Fernando na labis na nagpapasalamat ang mga Bulakenyo na pinili ng pangulo ang kanilang lugar ngayon taon para ipagdiwang ang nasabing okasyon at bigyang pagkikila ang kanilang “greatest sons.”
Sinabi ni Fernando na ang Independence Day ceremonies ngayong taon ay “not only meant to pay tribute to our forefathers who fought for our independence against Spanish oppressors but also to our medical and health frontliners who died and continue to battle and champion our fight against COVID-19.”
Isang simpleng selebrasyon ang nakalatag ngayon sa Barasoain Church sa bayan ng Malolos para kilalanin at bigyang parangal ang COVID-19 heroes. (CHRISTIAN DALE)
164 