TRAVEL CORRIDORS, GIIT NI DU30

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga karatig bansa sa Asya para sa pagbubukas ng travel corridors sa rehiyong hinagupit ng pandemya.

Sa 14th Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) Summit, iginiit ng Pangulo ang importansya ng pagluluwag sa pagpasok sa ilang teritoryo nang di na kailangan pang sumailalim sa quarantine sa kondisyong bakunado na ang mga tutungo.

Aniya, malaking bentahe ang pagbubukas ng travel corridors sa hangaring makabangon sa pagkakalugmok na dulot ng pandemya.

Paglilinaw ng Pangulo, dapat din aniyang tiyaking ligtas ang muling pagbubukas ng borders.

“It is vital that we make BIMP-EAGA a major catalyst for transformative change in our region,” ani Duterte. (CHRISTIAN DALE)

 

168

Related posts

Leave a Comment