DUTERTE YOUTH KINATAWAN NG MGA ABUSADO

“THEY represent no one but the abusers, warmongers and misogynists we fight against.”

Ganito ang paglalarawan ng Gabriela Youth sa Duterte Youth party-list na taliwas sa ipinapalabas umanong sila ay kumakatawan sa mga kabataan sa Mababang Kapulungan bilang isang party-list group sa ika-20 Kongreso.

Ginawa ng Gabriela Youth ang pahayag kasabay ng paghahain ng panibagong disqualification case laban sa Duterte Youth kahapon dahil pekeng kinatawan umano ng mga kabataan ang grupo ni Ronald Cardema.

Sa anim na taon ng Duterte Youth sa Kongreso, wala umanong ginawa ang mga ito kundi suportahan ang ang anti-youth at anti-women na mga polisiya ng gobyerno at nakahanay umano ang mga ito sa state forces na inaakusahan ng mga human rights violation.

“Duterte Youth is a fraud. They do not represent the dreams, demands, or struggles of the Filipino youth. What they represent is a legacy of red-tagging, militarism, and violence—especially toward women, LGBTQ+ youth, and those who dare to speak out,” ani Gabriela Youth spokesperson Francheska ‘Fran’ Reyes.

Ang Duterte Youth party-list ay nakakuha ng 2.3 milyong boto nitong nakaraang midterm elections kaya magkakaroon ang mga ito ng tatlong kinatawan sa Kamara sa 20th Congress.

Gayun pa man, ipinagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng mga ito dahil sa nakabinbing disqualification case na isinampa sa nasabing grupo noong 2019 dahil hindi umano nasunod ang batas nang payagan ang mga ito na tumakbo noong 2019 midterm election,

Nagsampa din ng disqualification case ang mga grupo ng mga kabataang estudyante laban sa Duterte Youth bago at pagkatapos ng eleksyon.

Dahil dito, tumakbo na si Cardema sa Korte Suprema para kuwestiyunin ang desisyon ng Comelec dahil pagbabalewala umano ito sa 2.3 million Pilipino na bumoto sa kanila noong nakaraang eleksyon na kinabibilangan ng mga overseas Filipino worker (OFWs).

(BERNARD TAGUINOD)

48

Related posts

Leave a Comment