DuterTEN PATOK SA MINDANAO

NANGUNA ang mga pambato ng Duterte Senate slate sa isinagawang survey ng University of Mindanao- Institute of Popular Opinion sa tatlong distrito ng Davao City.

Ang Duterte Senate slate o DuterTEN ay binubuo nina dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez, Sen. Bong Go, Sen. Bato Dela Rosa, Atty. Jimmy Bondoc, Sagip Party-list Rep. Rodante Marcoleta, Philip Salvador, Pastor Apollo C. Quiboloy, Atty. Jayvee Hinlo, Dr. Richard Mata, at Atty. Raul Lambino.

Ang survey ay isinagawa mula Abril 9-25 at nilahukan ng 1,200 respondents.

Samantala, positibo rin si Sen. Robinhood Padilla na makakapasok sa Senado ang DuterTEN.

Binigyang-diin ng actor-politician ang suporta sa grupo ng pamilya Duterte at ng mamamayan.

Sa isang panayam, iginiit ni Padilla na ang lakas ng kanilang kampanya ay hindi lamang nagmumula sa mga rally at estratehiya, kundi sa matibay na koneksyon nila sa taumbayan.

“Panalo. Walang iba kundi panalo ang ating DuterTEN… Sapagkat alam n’yo naman ang hinahanap ng tao ay yung isang gobyerno na may tunay na pagbabago,” ani Padilla.

Aniya, malaking bagay ang aktibong pangangampanya ni Vice President Sara Duterte para sa mga pambato ng DuterTEN.

Matatandaang noon pa man ay nagpahayag na ng kanyang suporta si dating pangulong Duterte kay Atty. Rodriguez, numero 56 sa balota.

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

73

Related posts

Leave a Comment