TINATAYANG 75% ng mga Pilipino ang mas gusto ang mga kandidatong naniniwala na dapat igiit ng Pilipinas ang karapatan laban sa agresibong aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).
Lumabas sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) April survey na kinomisyon ng Stratbase Group, na ang porsyento ng mga Pilipino na mas gusto ang mga kandidato na itinutulak ang soberanya ng Pilipinas sa WPS ay bumaba ng 3% kumpara sa 78% mula sa survey na isinagawa noong buwan ng Pebrero.
Ang porsyento ng mga Pilipino na iba ang iniisip ay tumaas ng 3% mula sa 22% noong Pebrero hanggang 25% ngayong Abril.
Sinasabing karamihan sa mas gusto ang mga kandidato na hindi naniniwalang dapat igiit ng Pilipinas ang karapatan nito laban sa agresibong aksyon ng Tsina sa WPS ay nanggaling mula sa Class E na may 41%, ABC na may 28%, at D na may 24%.
Samantala, ang survey ay isinagawa mula April 11 hanggang 14, 2025 sa pamamagitan ng panayam sa 1,800 respondents. Mayroon itong ±2% margin of error.
(CHRISTIAN DALE)
