ERWIN TULFO HATAW SA PINAKABAGONG SURVEY

LIMANG araw bago ang eleksyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial candidate Erwin Tulfo na nananatiling numero uno sa pinakabagong senatorial survey.

Sa bagong survey ng WR Numero na isinagawa mula Abril 23 hanggang Abril 30 at nilahukan ng 2,400 na respondents, nagtamo si Tulfo ng 48.7 percent voting preference, tumaas ng 5.3 percent mula sa naunang survey.

Nagpakita rin ng matatag na voter base si Tulfo dahil nananatili siyang nasa unahan ng preferences anomang kulay o partido ang sinusuportahan. Numero uno siya sa mga Pro-Marcos (65%) at Independent voters (52%). Samantala, number 2 naman siya ng mga Opposition supporters (50%), at number 3 ng pro-Duterte supporters (40%).

Kung gaganapin ang halalan sa nasabing survey period, kasama ni Tulfo sa winning circle sila Christopher “Bong” Go (45.3%), Tito Sotto (37%), Bato Dela Rosa (36.8), Pia Cayetano (36.6%), at Ben Tulfo (35.2%). Pasok din sila Lito Lapid (34.8%), Ping Lacson (33.8%), Abby Binay (31.7%), Camille Villar (29.8%), Bong Revilla (29.5%), at Bam Aquino (28.5%).

Maliban sa bagong WR Numero Survey, patuloy ring nangunguna si Tulfo sa surveys ng OCTA Research, Social Weather Stations (SWS), at Pulse Asia. Bunsod nito ay lubos na nagpapasalamat si Tulfo sa hindi matatawarang tiwala at suporta ng publiko.

Aniya “Hindi ko po kayo bibiguin at ‘di ko hahayaang masayang ang boto ninyo sa akin”.

38

Related posts

Leave a Comment