Sa kabila ng P240-M confi funds ni Mayor Abby Binay MAKATI NAGTALA NG ‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY INCIDENTS

SA kabila nang pagkakaroon ng P240 milyon confidential funds ni Mayor Abby Binay, nagkaroon ng sharp increase o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba pang uri ng krimen sa ilang bahagi ng Makati City.

Nitong 2022 at 2023, nakapaglaan ang Makati City Council ng halagang P240 milyon kada taon para sa confidential funds na maaaring gamitin ni Binay sa peace and order programs (POPs) na susugpo sa kriminalidad alinsunod sa itinakda ng batas. Sa kabila nito, tumaas ang insidente ng kriminalidad sa ilang bahagi ng lungsod na lubhang ikinabahala ng mga residente sa Salcedo Village.

Sa liham ng samahan, umapela ang residente ng Salcedo Village kay Mayor Abby Binay na tugunan ang tumataas na bilang ng kriminalidad sa kanilang komunidad kasunod ng “sharp increase” sa krimen tulad ng snatching, hold-ups at kahit kidnapping incidents na iniulat sa nakalipas na siyam na buwan ng 2024.

Natuklasan pa sa https://insiderph.com/insider-info-residents-urge-action-on-rising-crime-in-makatis-salcedo-village, na lumiham ang residente kay Binay noong Oktubre 2024, tinukoy ng kinatawan ng Salcedo Village residents ang lumalalang sitwasyong pang-seguridad na sinuportahan ng crime statistics mula sa Barangay Bel-Air.

“The data revealed that, while Barangay Bel-Air’s total monthly crimes increased by 8 percent from 2023 to 2024, Salcedo Village alone saw a 17 percent rise in incidents during the same period — more than double the average rate of surrounding environs,” ayon sa residente.

“Alarmingly, the area accounts for 71 percent of all crimes in the barangay,” ayon pa rito.

Tinukoy rin nito sa liham ang sunod-sunod na insidente na kinasasangkutan ng riding-in-tandem kabilang ang isang lalaki na nakasuot ng Angkas uniform na nangholdap sa isang pedestrian, ninakaw ang pera at isang cellphone.

“Restaurant-goers and pedestrians have also been frequent targets of violent and economic crimes,” reklamo pa nito.

Linggo ng gabi, Mayo 4, 2025, pinasok ng tatlong armadong kalalakihan ang Izakaya Kojiro sa Pasay Road, Makati City na nakakulimbat ng pera, alahas at cellphone ng mga kostumer base sa kumalat na video sa social media.

Samantala, pinakahuling audit report ng COA, natuklasan na top spender si Binay sa 17 local chief executives sa Metro Manila na umabot sa magkasanib na P480 milyon ang ginastos sa POPs sa dalawang magkasunod na taon, 2022 at 2023.

Nakita rin sa COA audit report na gumastos naman ng P120 milyon ang Lungsod ng Maynila nitong 2022 at 2023 kahit pangalawa sa pinakamayamang lungsod; at pumangatlo ang Quezon City na umabot lamang sa P100 milyon ang ginamit sa confidential funds kahit ito ang may pinakamalaking land area at populasyon at pinakamayaman na may P448.51 bilyon total assets.

47

Related posts

Leave a Comment