EXPORTATION NG BLACK SAND TINULDUKAN

PINAGTIBAY na sa House committee on environment and natural resources ang panukalang batas na nagbabawal sa mining companies na ilabas sa bansa ang kanilang miniminang black sand.

Sa pagdinig ng nasabing komite na pinamumunuan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga J.r, inaprubahan ang substitute bill ng House Bill (HB) 6321 o “Black Sand Processing Act of 2020”.

Base sa ilalim ng nasabing panukala, hindi na maaaring ilabas sa Pilipinas ang mina na nakukuha sa mga tabing ilog lalo na sa Northern Luzon.

Nais ng Kongreso na mismong ang Pilipinas ang makinabang sa nasabing mina imbes na ang ibang bansa kaya inaatasan ang mga mining at trading companies na dalhin ang minina nilang black sand sa modestic processing facilities sa bansa.

Maraming industriya ang gumagamit ng mga materyales na gawa mula sa black sand kaya nagkaroon ng international demand nito.

Kabilang sa mga pinaggagamitan ng black sand ay nuclear reactor at pagpo-produce ng kuryente bukod sa construction materials subalit hindi ito napakikinabangan ng mga Pilipino.

“The Philippines, being one of the fastest developing countries in the region, is at the receiving end by losing of billion of dollars from our importation of processed products needed in our continuous industrialization, not to mention the current administration’s build, build, build initiatives,” ayon sa panukala. (BERNARD TAGUINOD)

361

Related posts

Leave a Comment