FORMER ES RODRIGUEZ SA PNP: ‘WAG PAGAMIT PARA MAKAPANAKIT

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

UMAPELA ang unang itinalagang executive secretary ng administrasyong Marcos sa Philippine National Police (PNP) na huwag magpagamit para makasakit sa kapwa Pilipino.

Sa isang panayam ng SMNI kay Atty. Vic Rodriguez, kinondena nito ang marahas na pagsalakay ng PNP at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa religious compounds ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City noong Hunyo 10, 2024.

Hindi aniya tama na gamitin ng kapulisan ang kanilang kapangyarihan para tapakan ang karapatang pantao ng mga taong pinanumpaan nilang paglilingkuran at babantayan.

“Ang isang sistematikong paglabag at paglapastangan sa ating karapatang pantao lalo na kung ang nasa frontline ay kababaihan kagaya ng Kingdom of Jesus Christ na religious ‘di naman bayolenteng grupo at mga kabataan, ito ay haram. Ibig sabihin ilegal, immoral, bawal na bawal,” ani Rodriguez.

Pinaalalahanan din niya ang mga awtoridad na sumunod lamang sa itinatakda ng batas at huwag maging sunod-sunuran sa mga maling kautusan.

“Sa ating kapulisan, sundin lang ninyo ‘yung mga lawful orders hindi naman porke na kayo ay nasa serbisyo inutusan kayo susundin natin dahil natatakot kayong ma-relieve, matanggalan ng trabaho, masuspinde. Naintindihan natin in a certain degree pero ‘di na natin maiintindihan kung nagpapagamit kayo na saktan ang inyong kapwa Pilipino,” aniya.

Matatandaang inilunsad ng pulisya ang mga pagsalakay kamakailan upang hanapin at arestuhin ang lider ng KOJC na si Pastor Apollo Quiboloy.

158

Related posts

Leave a Comment