Sa pagkampi sa Amerika MARCOS NILALABAG KONSTITUSYON

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUNG ang West Philippine Sea (WPS) ay sinasakop ng China, mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nagpapasakop sa United States (US) na lalong maglalagay sa seryosong panganib sa bansa.

Ito ang pahayag ni Bayan Muna party-list rep. Carlos Zarate kasunod ng anunsyo ng Russia na itutuloy na ng mga ito ang naudlot na paggawa ng “intermediate and shorter-range nuclear-capable missiles”.

“We denounce the Marcos Jr. administration’s US-satellite like foreign policy, which has contributed to bringing the world to the brink of a renewed nuclear arms race, instead of amity, goodwill and peace among nations,” ayon sa dating mambabatas.

Ang Russia ay kilalang kaalyado ng China na posibleng tumulong sa huli kapag tuluyang sumiklab ang gulo sa WPS lalo na’t pinayagan ni Marcos ang Amerika na ideploy sa Northern Luzon ang kanilang Typhoon Weapons System.

Sinabi ng dating mambabatas na hindi malayong maging target ng nuclear warhead ang Pilipinas dahil sa pagpapasakop ni Marcos sa Amerika kaya dapat aniyang kondenahin ito ng sambayanang Pilipino.

“Both the Marcos Jr administration and the US for making and marking the country as target of nuclear warheads from countries not necessarily the enemies of the Philippines and the Filipino people,” ani Zarate.

Maiiwasan sana aniya na madamay ang Pilipinas sa giyera ng China at US kung sinunod lang ni Marcos ang isinasaad sa Saligang Batas na huwag kumampi sa anomang bansa upang hindi maipit sa kanilang gulo.

178

Related posts

Leave a Comment