FUEL SMUGGLER AT ISA PA, KINASUHAN

SABAYANG sinampahan ng kasong kriminal sa Department of Justice ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang kumpanyang pinaniniwalaang sangkot sa smuggling ng mga produktong petrolyo at iba pang kalakal mula sa bansang Tsina.

Swak sa demanda ang Luzon Petromobil Integrated Service Stations, Inc. kaugnay ng ilegal na pagbebenta ng mga produktong petrolyong hindi dumaan sa fuel marking ng BOC.

Base sa dokumentong kalakip ng reklamo sa DOJ, aabot sa P0.306 milyon ang halaga ng mga produktong petrolyong ibinenta sa merkado ng nasabing kumpanya noong buwan pa lang ng Setyembre ng nakalipas na taon sa Arayat, Pampanga.

Hagip din sa asunto ang Donna Bella Trading at ang customs broker ng nasabing kumpanya kaugnay naman ng “misdeclaration” ng P1.239 milyong halaga ng ibat-ibang household goods mula sa bansang China noon Pebrero ng nakalipas na taon sa Port of Manila.

Kasong paglabag ng Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act), Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, DOF-BIR-BOC Joint Circular No. 001.2019 at DOF-BOC-BIR Joint Memorandum Circular No. 001 (series of 2021) ang mga naturang kumpanya.

Mula sa pagpasok ng taong 2022, umabot na sa 20 kasong kriminal ang inihain ng kawanihan sa DOJ laban sa 53 indibidwal at licensed customs brokers, habang kasong administratibo naman ang isinampa laban sa anim na licensed customs brokers sa Professional Regulation Commission. (JOEL AMONGO)

126

Related posts

Leave a Comment