IPINAHAYAG ni A TEACHER Partylist Nominee Virginia Rodriguez ang kanyang suporta sa hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na bawasan ang presyo ng bigas sa bansa ng aabot sa P6.00 hanggang P7.00 sa mga susunod na buwan dahil sa maagang pagpapatupad ng pinababang taripa sa bigas.
Ayon kay Ms. Rodriguez, magkakaroon na ng abot kayang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado at iba pang mga pangangailangan, partikular na ang mga produktong agrikultural sa pamamagitan ng mga inisyatibong isinasagawa ng kasalukuyang administrasyon.
Ang lowered rice tariff ay ipinatutupad sa ilalim ng Executive Order 62 na inilabas kamakailan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Ayon kay Rodriguez, ang programang balak niyang ihain sa Kongreso ay isang krusyal na inisyatibo na naglalayong mabawasan ang gastos ng mga produktong agrikultural, at idinagdag pa na ang programa ay nakatuon sa paggawa ng mga organic fertilizer at pagpapatupad ng makabagong pamamaraan sa agrikultura.
Samantala, malaki ang suportang natanggap ni Rodriguez mula sa mga estudyante at organisasyon ng kabataan, na nagresulta sa pagtaas ng ratings ng ibang independent surveys.
Sa kasalukuyan, isa ang A TEACHER partylist sa mga nangunguna sa poll surveys upang makakuha ng puwesto sa Kongreso sa darating na May 2025 midterm elections.
Ayon sa mga estudyante mula sa Polytechnic University of the Philippines, at ng kinatawan mula sa iba’t ibang organisasyon ng kabataan, sinabi na si Ms. Rodriguez ay hindi lamang sa edukasyon nakatuon kundi pati na rin sa kapakanan ng mga marginalized na komunidad at magsasaka.
Sa isang independent survey na isinagawa ng mga estudyante ng PUP, ang A TEACHER partylist lamang ang grupong tunay na nakatuon sa pagtulong sa mamamayan, partikular na sa mga marginalized students, sa mahihirap, at mga katutubong komunidad na madalas napababayaan ng ibang sektor ng gobyerno.
Nangako si Ms. Rodriguez na isusulong ang isang batas na magbibigay sa mga magsasaka ng mga makabagong kagamitan at pagsasanay sa paggamit ng organic fertilizers upang umani ng pananim at mapababa ang presyo ng mga bilihin.
Layunin din niya ang mabigyan ng sapat kita at libreng pagkain at bitamina ang bawat pamilyang Pilipino upang matiyak na masugpo ang kagutuman ng marami dito sa ating bansa.
Nangako rin si Ms. Rodriguez na bibigyan ng dalawang sako ng bigas ang mga guro kada buwan para masuportahan ang kanilang pamilya na umaasa sa limitadong kita. Magpapatupad din siya ng maraming feeding program at food caravan sa mga paaralan at mga barangay.
Bukod dito, nangako si Ms. Rodriguez na makatatanggap ang mga mag-aaral sa elementarya at hayskul ng laptop, tablet at libro, notebook, at mga gamit sa paaralan, samantalang libreng edukasyon naman hanggang college at allowance sa mga mag-aaral ang isusulong niya na reporma sa Kongreso.
