IMBAKAN NG MGA ARMAS NADISKUBRE NG PNP AT AFP SA CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE – Nadiskubre ng mga operatiba ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang matataas na kalibre ng baril sa isinagawang intelligence driven operation sa Brgy. Exciban, sa bayan ng Labo sa lalawigan.

Nakuha sa lugar ang 15 units ng M16A1 rifle, 1 unit ng M14 rifle, 2 pirasong M653, 1 unit ng shotgun, at 3 piraso ng improvised explosive devices.

Ayon kay PNP Acting Chief, Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nagsasagawa na sila ng imbestigasyon kasabay ng paghahanda ng mga kasong kriminal laban sa lahat ng sangkot.

Dahil sa pagkakatuklas sa imbakan ng mga baril ay agad nagpakalat ang PNP ng karagdagang mga tauhan para sa checkpoints, pagpapatrolya, at community engagement para matiyak ang kapanatagan at seguridad ng mga residente.

Hinimok naman ni Nartatez ang publiko na manatiling mapagmatyag at i-report agad sa mga awtoridad ang anomang impormasyong may banta sa kaligtasan ng komunidad.

(TOTO NABAJA)

61

Related posts

Leave a Comment