LAGUNA – Arestado ang isang barangay chairman na promotor umano ng tupada sa kanilang lugar, sa ikinasang sa operasyon ng mga tauhan ng PNP-CIDG RFU 4A ng Calabarzon PNP, sa Calamba City noong linggo ng umaga.
Kinilala ang umano’y promotor ng tupada na si Larry Dimayuga, 47, chairman ng Barangay Canlubang at dating president ng ABC federation ng Laguna.
Kabilang sa iba pang mga arestado ay sina Jury Dolliendo, sentenciador/collector; Joel Mameng, sasador/listador/collector, at ang isang mananaya na si Michael De Luna.
Bukod sa nakumpiskang dalawang buhay na manok, mga tari at perang pusta, nasamsam kay Dimayuga ang isang unit cal. 9mm Glock 17 Gen 4 Austria Pistol at mga bala. Sinasabing agad nakalaya ang suspek makaraang maglagak ng pyansa. (NILOU DEL CARMEN)
167 