RIDER BUMANGGA SA POSTE, PATAY

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 38-anyos na rider nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang kongretong poste sa kurbadang bahagi ng kalsada sa Dasmariñas City nitong Martes ng madaling-araw.

Sa mismong gitna ng kalsada inabutan ng kamatayan ng biktimang si Agapito Agustin ng B10, L3, P2, Andrea Ville Subd., Brgy. Salitran IV, Dasmariñas City.

Ayon sa ulat ni Corporal Norman Guerra ng Dasmariñas City Police, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Jose Abad Santos Avenue.

Lulan ng motorsiklo ang biktima habang binabagtas ang nasabing lugar ngunit pagsapit sa pakurbadang bahagi ng kalsada malapit sa Bacao Bridge sakop ng Brgy. Salitran IV, Dasmarinas City, nang mag-overshoot ang sasakyan nito at bumangga sa kongretong poste.

Tumilapon ang biktima sa aspaltadong kalsada na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.  (SIGFRED ADSUARA)

182

Related posts

Leave a Comment