DROGA SA BONGGANG TRAJE DE BODA

0

TINATAYANG nasa P3.3-milyong halaga ng mga party drugs ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) makaraang inspeksyunin ang mamahaling traje de boda inangkat pa mula sa bansang Alemanya.

Sa imbentaryo ng Port of NAIA, nasa halos 2,000 piraso ng hugis bulaklak na party drugs na kilala sa tawag na ecstasy ang ikinubli sa isang wedding dress na ipinasok sa Ninoy Aquino International Airport sa lungsod ng Pasay, kamakailan.

Arestado naman sa isang follow-up operations ang babaeng consignee na sinampahan ng kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Sa isang pahayag, sinabi ni assistant secretary Vincent Maronilla na tumatayong tagapagsalita ng ahensya, nadakip ang suspek na residente ng Taytay, Rizal makaraang maglunsad ng isang controlled delivery operation ang kawanihan, kasama ang mga operatiba mula naman sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“First time namin na-encounter na dineclare na wedding dress at itinago sa ganong klaseng bagay. Again may mga x-ray machines po tayo dyan na modern at modern din ang ating technique sa apprehension ng illegal drugs,” ani Maronilla.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment