INTEL CHIEF PATAY SA OPERASYON SA ZAMBO DEL SUR

PATAY ang isang intelligence chief ng Pagadian City Police Office, sa isinagawang operasyon laban sa mga suspek na nagbebenta ng mga baril.

Kinilala ang biktimang namatay na si Police Major Aiman Khuzaimah Pantaran. Nasawi rin sa operasyon ang dalawang suspek.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Philippine National Police sa pamilya ni Pantaran.

Ayon kay PNP chief, Police General Jose Melencio Nartatez, Jr. kanilang kinikilala ang dedikasyon sa tungkulin ni Pantaran.

Samantala, inatasan ni Nartatez ang kinauukulang mga yunit na tiyaking matatanggap ng pamilya ni Pantaran ang lahat ng nararapat na tulong at benepisyo para sa nasawing pulis.

(TOTO NABAJA)

70

Related posts

Leave a Comment