JINGLE NI MOCHA USON PINAG-INITAN DIN SA KAMARA

BAGAMA’T nasita na ng Commission on Elections (Comelec) at nangakong hindi na gagamitin ni Micha Uson ang kanyang jingle na ‘Cokie ni Mocha’, pinag-initan pa rin ito ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan.

Dahil hindi nagustuhan ng grupo ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ang anila’y sexually suggestive campaign jingle, tila nilektyuran ang dating assistant secretary ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

“The use of sexually suggestive campaign jingles and materials only reinforces the harmful objectification of women’s bodies and reduces them to sexual objects rather than dignified human beings with political agency,” pahayag ng grupo ni Brosas.

“Gutom ang kababaihan at taumbayan—hindi para sa cookies o malalaswang campaign jingles ng mga pulitiko—kundi para sa nakabubuhay na sahod at regular na trabaho, pagbaba ng presyo ng pagkain, abot-kayang serbisyong panlipunan at pagrespeto sa aming dignidad at karapatan!” dagdag pa nito.

Samantala, lalong uminit ang ulo ni Brosas kay Pasig City congressional candidate Atty. Christian Sia matapos idepensa ng abogado ang kanyang sarili sa pagsasabing bahagi ng freedom of speech ang sinabi nito sa isang campaign rally na puwedeng sumiping sa kanya ang mga single parent na babae minsan isang taon kahit may regla pa.

“Hindi iyan ‘freedom of speech’, kabastusan iyan sa kababaihan, lalo na sa mga solo parent na nagtataguyod ng kanilang pamilya,” ang mainit na pahayag ni Brosas na hindi rin nagustuhan ang inaasal ng abogado.

Ayon sa mambabatas, inaabuso ni Sia ang freedom of speech para lusutan ang kanyang pananagutan sa pambabastos sa mga kababaihan lalo na ang mga single mother na labis na nasaktan sa kanyang pahayag.

“Let us be clear: freedom of speech does not protect hate speech or discriminatory remarks that demean and marginalize women. When a candidate for public office makes statements that reinforce harmful stereotypes against women, it is not merely an exercise of free speech—it is an abuse of privilege and power that undermines women’s equal participation in society and politics,” paliwanag ng kinatawan ng Gabriela Women’s party-list.

(PRIMITIVO MAKILING)

62

Related posts

Leave a Comment