PUV DRIVERS UNAHIN SA BAKUNA

HINIKAYAT ni Senador Grace Poe ang pamahalaan na bigyan ng prayoridad ang public utility drivers at iba pang manggagawa sa sektor ng transportasyon sa pagbabakuna ng pamahalaan.

Sa pahayag, sinabi ni Poe, chairman ng Senate Committee on public services, na kailangan nang mapabakunahan ang mga PUV driver upang makabangon sila sa kahirapan na dinanas sa panahon ng mahipit na lockdown dahil walang ayudang dumating sa kanila.

“Mahigit isang taon sa ilalim ng lockdown, hirap pa rin sa pag-ahon ang ating mga public utility vehicle (PUV) driver. Napag-iwanan na nga sa ayuda, ‘wag na natin silang ihuli sa bakuna,” ayon kay Poe.

Sinabi ni Poe na kasali sila sa A4 category ng babakunahan pero umaasa ang mambabatas na hindi sila maiiwan sa pila upang makuha nila ang kinakailangang bakuna upang makabangon ang sektor.

“Our PUV drivers need the vaccine now given the critical frontline work that they do,” aniya.

Ayon kay Poe, sa buong panahon ng pandemya, naging lifeline ang mga drayber sa kanilang komunidad.

“They have ferried healthcare workers to hospitals, delivered food to people at home, and helped many businesses up and running,” aniya.

“The vaccine will not only protect our drivers, but also strengthen the resilience of our essential transport services,” pagtatapos ni Poe. (ESTONG REYES)

181

Related posts

Leave a Comment