TARGET ni KA REX CAYANONG
SA bawat lungsod o bayan, dumarating ang pagkakataong kinakailangan ng tunay na pagbabago — isang lider na hindi lamang marunong mangako kundi handang magsakripisyo, makinig, at maglingkod nang buong puso.
Sa lungsod ng Tayabas, lalong umiigting ang pagnanais ng mga mamamayan para sa isang lider na may malasakit, may pananaw, at may tapang na isulong ang tunay na kaunlaran.
Sa darating na halalan, unti-unting lumilinaw sa sambayanan ang sagot: si Anthony “Kuya Piwa” Lim.
Hindi na bago sa marami ang pangalan ni Kuya Piwa.
Kilala siya bilang isang lider na malapit sa masa — isang taong kayang makipagkamay sa tricycle driver sa terminal, umalalay sa tindera sa palengke, at kumustahin ang kabataan sa kalsada.
Hindi siya ‘yung tipikal na pulitiko na abala lamang sa entablado. Si Kuya Piwa ay aktibo sa komunidad, bukas ang pinto sa bawat mamamayan, at may taos-pusong pagnanais na iahon ang Tayabas sa kahirapan.
Isa sa pinakamalaking kapital ni Kuya Piwa ay ang kanyang malasakit sa mga kababayan.
Nariyan ang kanyang mga inisyatibo para sa libreng gamutan, scholarship programs, at kabuhayan para sa mga ina ng tahanan at kabataang walang trabaho.
Higit pa rito, may plano siyang paigtingin ang turismo ng Tayabas — upang mas makilala ang yaman ng kultura, kasaysayan, at kalikasan ng lungsod, at lumikha ng mas maraming oportunidad para sa mamamayan.
May paninindigan si Kuya Piwa, ngunit hindi siya arogante.
May tapang siya, ngunit hindi marahas. At higit sa lahat, may puso siyang tunay na nagsisilbi. Ito ang klase ng lider na kailangan ng Tayabas — hindi lamang upang pamunuan, kundi upang magsilbing inspirasyon at gabay sa pag-unlad.
Sa panahong maraming mamamayan ang tila nawawalan ng tiwala sa sistemang pulitikal, si Kuya Piwa ay larawan ng pag-asa. Isang taong maaaring sandalan, pakinggan, at pagkatiwalaan. Isang lider na Tayabeño sa puso, sa salita, at sa gawa.
Ngayong papalapit ang eleksyon, nawa’y maging matalino ang bawat botante sa pagpili.
Sapagka’t ang kinabukasan ng lungsod ay hindi lamang nakasalalay sa boto, kundi sa lider na magdadala ng tunay na pagbabago.
At sa katauhan ni Anthony “Kuya Piwa” Lim, nakikita natin ang pag-asa — isang bagong Tayabas na mas makatao, mas progresibo, at mas makatarungan.
Ang Tayabas ay may bagong liwanag. At ang liwanag na ito ay si Kuya Piwa.
