ALBUERA MAYORALTY CANDIDATE ROLAN KERWIN ESPINOSA, DALAWANG IBA PA PINAGBABARIL HABANG NANGANGAMPANYA SA LEYTE

ISINUGOD sa pagamutan ang Mayoralty candidate ng Albuera, Leyte na si Rolan Kerwin Espinosa matapos barilin ng hindi pa kilalang gunman habang nangangampanya, Huwebes ng hapon.

Kabilang sa nasugatan ang running mate nito na si Mariel Espinosa Marinay at isang babaeng menor de edad na tinamaan ng ligaw na bala.

Sa panayam ng SAKSI NGAYON kay Albuera Municipal Police Station, PMajor Angelo Sibunga, dakong alas-04:30 ng hapon pinagbabaril ang grupo ni Espinosa habang nangangampanya sa Barangay Tinag-an.

Sa ulat, isang tama ng bala ang tinamo ni Espinosa na agad naman isinugod sa hindi pinangalanang hospital.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Albuera Municipal Police Station kaugnay sa insidente ng pamamaril.

Si Kerwin Espinosa ay naging kontrobersyal sa nakalipas na administrasyon matapos mapatay ang kanyang ama na dating alkalde ng bayan ng Albuera dahil umano sa kaugnayan sa iligal na droga.

Kalaunan ay napawalang sala si Espinosa sa kasong may kinalaman din sa iligal na droga.

(TOTO NABAJA)

50

Related posts

Leave a Comment