ALL’s well that ends well na sa pagitan ng dalawang beauty na sina Kylie Verzosa at Maxine Medina matapos mag-apologize ang girlfriend ni Jake Cuenca sa kapwa niya beauty queen na si Maxine. At ang maganda rito ay may natutunan sina Kylie and Maxine: Bago sumalang sa isang eksena ay kailangang pag-usapan nila ang gagawin para handa sila sa kung anuman ang pwedeng mangyari.
“Nag-sorry na siya sa akin. Siguro lesson na rin po ito na sana before natin gawin ang eksena let us talk about it, para walang mangyaring hindi kanais-nais. Nag-usap na kami ni Kylie kaya sobrang okay na kami,” paglilinaw ni Maxine.
Nabigyan ng pagkakataon sina Kylie at Maxine na linawin ang duraan incident sa pagitan nila at the show’s thanksgiving mediacon para sa isang linggong natitira sa serye nilang “Los Bastardos” ng ABS-CBN 2.
“Siguro ’yon lang po ’yung pagkukulang ko o pagkukulang namin. First eksena po kasi namin sa umaga. Tsaka galing po kaming travel o whatever. Sana po napag-usapan namin.”
Hindi makapaniwala si Kylie na magiging malaking isyu ang nangyari sa kanila ni Maxine sa set.
“Actually, nagulat ako sa lumabas na isyung ito. Nasasaktan ako na hindi ko po alam kung bakit ito nangyari. Sana naman kinon-front ako sa set if she was feeling bad. Pero, ’yun nga lang, hindi maiiwasan na may nasasaktan.
“Ang importante ay okay na kami ngayon, tapos all apologies were said. ’Yong social media lang talaga ’yung maingay. Alam mo, friends kami ni Maxine ever since [Binibining Pilipinas]. Guys, tama na!”
Nakiusap sina Kylie and Maxine na tigilan na ang panggagatong sa kanila.
“Tama na kasi hindi lang nakaka-affect sa amin as a person, kasi naa-affect na rin ang ibang artists. I want to put an end to this,” Maxine points out. “Ayoko nang lumala pa nang lumala kasi we’re friends, ever since. Simula lang noong lumaki sa social media, parang nagkaroon ng gap.”
Inamin ni Maxine na siya ang nagkuwento sa isyu ng duraan sa kanyang mommy na nakarating kay Dianne Medina na pinsan niya.
“Very private akong tao. Hindi ako nagpo-post sa social media,” she said.
“Nagkuwentuhan lang kami ng mom ko. Sa sobrang galit ng pamilya ko, parang lahat sila nagalit na, so it’s not under my control anymore.”
In fairness, nag-effort si Maxine na mag-apologize to Kylie sa naging reaksyon ng pinsan niyang si Dianne.
“Actually, hindi po si Maxine ang nakasakit sa akin, pero siya po,” sagot ni Kylie, na obviously si Dianne ang tinutukoy dahil hindi pa raw sila nagkakausap.
May mga nagdududang baka nainggit o nagselos siya sa kissing scenes nina Maxine at ng nobyo niya dahil mag-asawa ang role nila sa “Los Bastardos.” Deretsahan niyang sinabi na walang nangyaring personal sa pagitan nila ni Maxine. Thankful si Kylie dahil napansin ang acting niya sa pagiging kontrabida.
Playing safe si Jake hinggil sa controversy involving his girlfriend and their co-star Maxine. At least hindi siya nag-take side kay Kylie.
“Minsan sa eksena, mayroon kang nagagawa na extra, mayroon kang nagagawa na hindi kanais-nais na hindi mo sinasadya. Hindi namin intensyon na manakit, hindi namin intensyon na mambastos, pero at the end of the day in character ka,” sabi ni Jake.
Kitang-kita ang sweetness overload ng dalawa sa nasabing farewell presscon na hindi alintana ang mga camera at maraming press people para ipakita ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
