LALAKI BINURDAHAN NG SAKSAK, PATAY

CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ang isang 37-anyos na biktima na nagresulta sa pagkamatay nito sa Dasmariñas City, Cavite nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Mark Anthony Domingo y Andag, residente ng Brgy. San Francisco, General Trias City, Cavite.

Kinilala naman ang suspek na si Crisanto Calagos Jr., nasa hustong edad at residente ng Brgy. Salitran 1, Dasmariñas City, Cavite, na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa ulat ni P/Senior Master Sergeant Elmo Caboboy ng Dasmariñas City, Cavite, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang nagpang-abot ang dalawa sa Dara Compound sa Brgy. Salitran 1.

Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo hanggang sa nagbunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Walang nakuhang impormasyon kung ano ang motibo sa pagpatay habang inaalam pa kung ano ang ginagawa ng biktima sa nasabing lugar sa ganoong oras.

(SIGFRED ADSUARA)

242

Related posts

Leave a Comment