LISTAHAN NG 25K SCHOLARS SA PASIG PINASASAPUBLIKO

HINILING ng mga residente sa Pasig City na mailabas ang listahan ng sinasabing mahigit 25,000 na scholars sa lungsod.

Ginawa ng mga residente ang panawagan kay Pasig City Mayor Vico Sotto, matapos mapag-alaman na mayroon lamang 13,000 scholars na na-accommodate para sa 2024-2025 school calendar.

Ang sinasabing 25,000 scholars ay pawang college students na naka-enroll umano sa iba’t ibang unibersidad sa Pasig City; gayunman, mayroon lamang ilang state universities sa lungsod kaya duda ang marami na kayang i-accommodate ang sinasabing 25,000 scholars. Ayon kay Ryan Villacorta mula sa Brgy. Maybunga sa Pasig, kung hindi makapaglalabas ng listahan ay maituturing itong “fake news”. Samantala, naniniwala si mayoral candidate Sara Discaya, na malaking bilang ng mga mag-aaral ang makikinabang kung makapagpapatayo ang local government ng mga bagong paaralan at maipa-renovate ang mga silid-aralan.

Krusyal aniya ang nasabing inisyatiba para masigurong maipagkakaloob ang educational needs sa lungsod. Bilang nagmamay-ari ng isang construction company, nangako si Discaya na magpapatayo ng mga dagdag na imprastraktura kabilang ang mga tulay at concrete roads na magdudugtong sa mga barangay patungo sa major roads.

Si Discaya na isang baguhan sa pulitika ay nagpasyang tumakbong mayor sa Pasig matapos makita nang personal ang patuloy na kahirapan ng mga residente, pananatili ng bureaucracy, at kakapusan ng suporta ng LGU.

Si Discaya na kilala sa tawag na Ate Sarah ay isang negosyante na madalas bumibisita sa mga low-income neighborhoods para magsagawa ng charity work.

Tuluy-tuloy rin ang pagdaraos niya ng medical missions at pagtulong sa mga nangangailangang residente ng lungsod.

Aniya, sakaling palarin manalo sa eleksyon, gagawin niyang isang Smart City ang Pasig na mas makapagpapadali sa pamumuhay ng mga residente.

38

Related posts

Leave a Comment