BAM AQUINO, NAKUHA SUPORTA NI PIOLO PASCUAL

SUMAMA na rin ang aktor na si Piolo “Papa Pi” Pascual sa celebrities na nag-endorso sa senatorial bid ni dating Senador and independent candidate Bam Aquino.

Katunayan, nakiisa si Pascual sa motorcade ni Aquino sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila nitong Linggo kabilang na sa Mandaluyong at Cubao sa Quezon City.

Kasama rin ni Aquino ang aktres na si Iza Calzado na nakilala sa role niya sa “Darna”—at si Bea Binene sa pag-iikot sa Mandaluyong, Quezon City, at Valenzuela.

Bago ang motorcade, pinagtibay nina Pascual, Calzado, at Binene ang kanilang endorsement kay Aquino sa pagpapakita ng No. 5 hand sign—na numero ni Aquino sa balota.

Una nang inikot nina Aquino at Binene ang Muntinlupa, Las Piñas, at Pasay kasama ang influencers na sina Kerwin King, Zion Aguirre, Gabe Pineda, Niño San Jose, Andrea Guevarra, Andrei Hermida, at Damien Villaflor.

Matatandaang inendorso rin noong 2022 ni Pascual si dating Vice President Leni Robredo sa presidential elections.

44

Related posts

Leave a Comment