PUNA Ni JOEL AMONGO
ISA namang driver na maangas sa kalsada, ang ipinagmamalaki ang kanyang apelyidong kilala sa Caloocan City.
Siya ay si Ginoong Felix Malapitan Luakin, Jr., na diumano’y kamag-anak daw ng alkalde ng Caloocan City (Mayor Along Malapitan).
Batay sa spot report ni Butch Sebastian, law enforcer, Field Enforcement Division, kay Mr. Farish Lim, Officer-In-Charge ng Field Enforcement Division ng Land Transportation Office, nasangkot sa vehicular incident and improper conduct si Mr. Felix Malapitan Luakan, Jr., driver ng Ford Everest na may CS No. C4-N604.
Dakong alas-8 ng umaga noong Oktubre 14, 2022, ang undersigned kasama ni Law Enforcement Officer (LEO) Jose Edriel Gaters, ay naka-deploy sa may EDSA Busway para tumulong sa traffic management sa nasabing lugar para tiyakin na mabilis ang daloy ng mga sasakyan.
Bandang alas-9:15 ng umaga ng parehong araw, habang naka-duty sila para tumulong sa traffic management sa may EDSA Busway sa may bisinidad ng Caloocan City, isang puting Ford Everest ang nagtangkang kumaliwa at nakaharang (obstructed) sa lane para sa padiretsong mga sasakyan.
Habang ang sasakyan ay nasa labas ng lane ng mga pakaliwang sasakyan at gumawa ng isang U-Turn, ay sinenyasan niya ang driver na umabante.
Imbes na umabante ito, pasulong ang ginawa nito at hindi sumunod sa sinabi ng LTO officer, at binuksan pa nito ang blinker at sirena ng kanyang sasakyan.
Nang ang traffic light ay nagpalit para sa mga kumakaliwang sasakyan at U-turning vehicles, ang puting Ford Everest ay biglang kumaliwa at nasagasaan ang kaliwang paa ni Sebastian.
Sa kabila ng pangyayari ay pinaabante pa rin ng driver ang kanyang sasakyan, tumigil lamang ito nang katukin ang driver side window niya.
Tinangka pa ng driver na tumakas gamit ang kanyang blinker at sirena, subalit naharang siya ng biktima sa kanyang daraanan.
Kahit nakaharang na ang biktima ay pilit pa ring pinaaabante ni Luakan ang kanyang sasakyan.
Kaya napilitan si Sebastian na mag-video gamit ang kanyang cellphone para kunan ang pangyayari at tumawag siya ng back-up.
Agad namang dumating si LEO Gaters sa lugar at bilang standard operating procedure (SOP), ay hiniling sa driver na ipresenta ang vehicle’s Certificate of Registration (CR) at Official Receipt (OR) at kanyang driver’s license subalit tumangging itong ipakita.
Sa bandang huli ay nakuha rin ang driver’s license ni Luakan sa tulong ng pulis at tauhan ng MMDA na dumating sa lugar.
Ang tikas mo boy, ipinagmamalaki mo na Malapitan ka? Naku! Kung kamag-anak mo ‘yan Mayor Along Malapitan, nakakahiya ang pinaggagawa ng kamag-anak n’yo, sir.
Ang pinagyabangan n’ya pa at sinasagaan ng paa ay ang nagbigay sa kanya ng pribilehiyo na magkaroon siya ng lisensiya mula Land Transportation Office (LTO).
Lagot! Siguradong mawawalan ka ng lisensiya, i-revoke na agad yan! Hindi dapat binibigyan ng lisensiya ang mga ganyang tao na walang respeto sa mga awtoridad.
Sinikap natin na makuha ang panig nina Luakan at Mayor Malapitan subalit hindi natin sila makontak.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.
