MAG-INVEST SA HEALTH SECTOR – SOLON

IGINIIT ni Senador Christopher Bong Go ang kahalagahan ng pag-i-invest ng bansa sa health sector sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Go na dapat matugunan sa 2021 budget ang mga nadiskubreng perennial gap sa health sector sa pagharap ng bansa sa pandemya.

Aniya, gaya ng mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte, kailangan ng reset, rebound at recover sa mga idinulot ng krisis.

Binigyang diin ni Go na kailangang ikonsidera ang mga natutunang aral na dulot ng COVID-19 pandemic kung kaya’t kailangang maging proactive at ma-review ang mga polisiya at araling muli ang mga prayoridad sa “new normal”

Dagdag ni Go, maliban sa pagtugon at pagbangon mula sa pandemya, kailangang ikonsidera rin sa budget proposal para sa 2021 ang pagiging mas handa at responsive sa iba pang health crisis na posibleng maranasan sa mga susunod na panahon. (NOEL ABUEL)

136

Related posts

Leave a Comment