INAPRUBAHAN ng House Committee on Justice ang committee report na nagrerekomenda ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte matapos makakita ng sapat na probable cause.
Sa botong 55-0, pinagtibay ang Articles of Impeachment na iaakyat na sa plenaryo ng Kamara para sa deliberasyon at pinal na botohan.
Ayon kay Committee Chairperson Gerville Luistro, dumaan sa masusing pagsusuri ang ebidensya kabilang ang findings ng Commission on Audit (COA) at ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Sentro ng reklamo ang umano’y maling paggamit ng confidential funds na nagkakahalaga ng P500 milyon sa Office of the Vice President at P112.5 milyon sa Department of Education.
Kapag nakakuha ng hindi bababa sa isang-katlong boto ng mga miyembro ng Kamara, awtomatikong ipadadala ang Articles of Impeachment sa Senado, na magsisilbing impeachment court para litisin ang Bise Presidente.
(TINA MENDOZA)
82 