HOPE ni Guiller Valencia
ANG paksang nais kong bigyang pansin ngayon ay ang salitang “magtiwala”.
Ito ay katagang madaling sabihin ngunit mahirap gawin.
Basically, ang Pilipino ay madaling magtiwala kahit kanino o sa ano pang bagay. Sa panahon ngayon, tila baga nasa panahon tayo ng maraming pagdududa at hindi basta nagtitiwala sa ating kapwa o sa sistema.
Marahil, sa ating pamilya ay lubos tayong may tiwala o dili kaya sa ating mga kaibigan. Subalit marami ring mga kaibigan ay hindi rin tapat sa atin at ipinagkakanulo pa tayo.
Gayundin ang mga kapatid sa kapwa kapatid ay walang tiwala sa isa’t isa pagdating sa mga mamanahin.
Sariwain natin ang ilang karanasan sa ating kasaysayan.
‘Di ba ang Panginoong JesuCristo ay itinatwa ni Pedro at si Judas ay ipinagkanulo ang ating Panginoon? Gayundin ang mga lider at mga politiko na inilalaglag o tinatraydor ang kanilang mga kasamahan para sa pansariling kapakanan.
Halimbawa, Marcos-Enrile-Ramos, Erap-Chavit, Gloria-Hyatt 8, Samson-Delilah, Caesar-Anthony at iba pa.
Kaya kadalasan ang mga payo, “Save your ass first!” Kaya sa panahon ngayon ay mahirap magtiwala talaga, maging sa mga kaibigan ay tila baga may pagdududa sa isa’t isa.
Wika nga, “What a crazy world!” Gayundin sa sarili minsan ay nag-aalinlangan na magtiwala sa kakayahan at pagdedesisyon. Bagama’t mayroon ding lubos na may tiwala sa sarili o over confident, na kadalasan ay mali ang mga desisyon na ginawa o diskarte.
Magtiwala, kailan pwede at kailan hindi? Kanino at hindi kanino dapat magtiwala? Wow, tanong na mahirap sagutin! Alam din natin na marami rin ang nagtitiwala sa kanilang kakayahan, kayamanan, at kalakasan, koneksyon at pinag-aralan.
Alam ba ninyo? Mayroong ginintuang katuruan tungkol sa magtiwala. Sa aklat ng Kawikaan na kalipunan ng mahahalaga at makabuluhang payo ng isang dakilang pantas at hari na naging gabay niya sa kanyang pamumuno at pamumuhay, ang nagwika, “Tumiwala ka sa Panginoon nang buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: 6 Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kanyang ituturo ang iyong mga landas”. (Kawikaan 3:5-6)
Samakatuwid, dito pala dapat tayo magtiwala sa isang Panginoong Diyos na nagbibigay ng karunungan, kaligtasan, kapayapaan at tagumpay sa buhay.
Siya ang maglalapit ng tao’t sistema na ating tunay na mapagkakatiwalaan! Tiwala lang sa ating Panginoon! Hindi siya nagbabago, “The same yesterday, today and forever!”
(comment and prayer, giv777@myyahoo.com)
