2 PULIS NATAKASAN NG PRESO, SINIBAK

SINIBAK sa puwesto at dinisarmahan ang dalawang pulis matapos makatakas ang dalawang Persons Under Police Custody (PUPC) sa Mariveles, Bataan.

Natuklasan nitong Martes na nawawala ang mga presong sina Junjun Jimenez, 33, at Jaypee Laquisan, 33, na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Carnapping Law.

Ayon sa ulat, tumalon umano ang dalawang suspek mula sa patrol car habang pabalik ang mga pulis mula sa inquest proceedings.

Inamin ng dalawang pulis, na may ranggong Police Chief Master Sergeant at Police Senior Master Sergeant at nakatalaga sa Mariveles Municipal Police Station, ang insidente.

Patuloy ang manhunt operation para sa muling pagkakaaresto sa mga nakatakas na preso.

Inaalam din ng Philippine National Police kung may command responsibility ang hepe ng Mariveles MPS na maaaring humantong sa kanyang pagkakasibak.

(TOTO NABAJA)

65

Related posts

Leave a Comment