HINIMOK ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang Malakanyang na magtalaga ng “vaccine czar” na mangangasiwa ng mga isyu sa procurement ng bansa ng COVID-19 vaccine para sa 110 million Filipinos.
Sinabi ni Recto na ang maagang pagtatalaga ng vaccine czar ay magiging daan din sa paghahanda na ng “supply-to-syringe cold chain” para sa bakuna.
Ipinaalala ng senador na batay sa pahayag ng World Health Organization na bagama’t may 170 candidate vaccines sa iba’t ibang stages ng development, nasa 2 bilyon lamang ang maaring mailabas sa 2021.
“Ilan ang matitira para sa mga Pilipino? Countries who have sunk billions into their development have firm orders so they are first in line. Pang-ilan tayo sa mahabang linya?” diin ni Recto.
Sinabi ng senador na kailangang Pinoy na may “global stature, excellent connections at diplomatic skills” ang maitalagang czar para lumaban sa kumpetisyon.
“Bawal ang OJT dito,” diin ni Recto.
“First is the selection. Kasi ang unang wave may element talaga ng rationing. Sino pipiliin? What will be the selection guideline? It is already settled that medical personnel will be first on the line. Sino susunod?” diin pa nito.
Dapat ding ngayon pa lamang ay resolbahin ang paraan ng transportasyon ng mga bakuna sa gitna ng kawalan ng cold transport at storage facilities.
“Like any frozen delight, the vaccine needs to be refrigerated. Filling the cold chain gap ranks high in the vaccine czar’s many duties,” diin nito.(DANG SAMSON GARCIA)
179 