MANDANAS INAKUSAHANG DESPERADO, GUMAGAMIT NG PEKENG SURVEY FIRM

PINARATANGAN si Batangas Gov. Hermilando Mandanas ng kanyang mga kritiko na desperado at gumagamit na ng pekeng survey company para palakasin ang kanyang kandidatura bilang vice governor ng lalawigan.

Sa survey ng One Research Philippines Inc. (ORPI), malaki umano ang lamang ni Mandanas sa karera sa pagka-bise gobernador. Pero sa pagsasaliksik, lumilitaw na walang kahit anong detalyeng makikita sa internet tungkol sa ORPI.

Ang Facebook page nito ay ginawa lang noong Enero 18 at hindi naman mabuksan ang kanilang website na http://www.oneresearchphinc.com/.

Malayong-malayo ito sa ibang survey firms gaya ng Social Weather Stations, Pulse Asia, Publicus, at RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) na may legit na website at mga lehitimong opisyal. Kaduda-duda rin na ang mga balita tungkol sa ORPI ay mga survey na isinagawa raw nito ukol sa lokal na eleksyon sa CALABARZON area, lalo na sa Batangas.

10

Related posts

Leave a Comment