MANILA RTC NAGHAIN NG “NOT GUILTY PLEA” PARA KAY TEVES

MISMONG ang Manila Regional Trial Court na ang naghain ng ‘not guilty’ plea para kay dating Negros Oriental representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr. sa mga kinakaharap na kaso nito sa Branch 12 ng Manila Regional Trial Court.

Ito’y dahil sa pananatiling tahimik ni Teves sa mga kasong illegal possession of firearms at explosives ng iharap siya sa korte para basahan ang sakdal kaugnay sa umanoy mga baril at pampasabog na nakuha sa kanyang bahay sa Bayawan City, sa Negros Oriental noong salakayin ng mga awtoridad.

Mismong ang mga abogado ng dating kongresista na sina Atty. Joey Lomangaya at Atty. Rafael Andrada ang nakasama niya itinakdang arraignment sa sala ni Judge Renato Enciso ng Manila RTC Branch 12.

Bukod sa nasabing kaso, si Teves ay nahaharap din sa kasong 10 counts ng murder, 13 counts ng frustrated murder at four counts ng attempted murder sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 51.

Kasama rin sa kasong kinakaharap ni Teves ang one count ng murder sa Manila RTC Branches 12 at 15, at RTC Branch 63 sa Bayawan, Negros Oriental.

Bukod naman sa illegal possession of firearms at explosives sa Manila RTC Branch 12, nahaharap din ito sa kasong terrorism sa Quezon City RTC Branch 77.

Si Teves na pinatapon pabalik ng Pilipinas noong Mayo 29, 2025 mula Timor-Leste, ay humarap sa arraignment ng hindi pagbigyan ng korte ang kahilingan ng kanyang legal team na na gawin na lamang sa pamamagitan ng video conferencing ang pagdinig.

Inaakusahang ang dating mambabatas na siyang utak sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo at sampung iba pa bukod pa sa 2019 killing na inu-ugnay sa kanya.

Dinala si Teves mula sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility sa loob ng New Bilibid Prison maximum compound Building 14 sa Muntinlupa City at pagkatapos ng arraignment, inutos ng korte ang paglilipat ni Teves mula sa NBI detention facility sa New Bilibid Prison papuntang Manila City Jail.

Una ng pinasya ni NBI Director Jimmy Santiago na dahil sa dami ng kasong kinakaharap ni teves ay manatili muna ito sa kustodiya ng NBI hanggang maglabas ng pinal na kautusan ang korte kung saan pansamantalang ikukulong ang akusado.

Hiniling din sa korte na pagsama samahin na lamang ang lahat ng kasong nakasampa kay Teves at dito na lamang sa Manila ganapin ang paglilitis.

(JESSE KABEL RUIZ)

33

Related posts

Leave a Comment